Paranaque top 20 taxpayer pinarangalan

Kinilala ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez ang top 20 real estate at business taxpayer para sa taong 2019.

The post Paranaque top 20 taxpayer pinarangalan first appeared on Abante.

paranaque top 20 taxpayer pinarangalan - Paranaque top 20 taxpayer pinarangalan
taxpayer - Paranaque top 20 taxpayer pinarangalan

Kinilala ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez ang top 20 real estate at business taxpayer para sa taong 2019.

Personal na ginawaran ng plaque of appreciation ang sampung business taxpayer at 10 real estate taxpayer sa lungsod sa ginanap na simpleng seremonya sa city hall kamakailan.

Kabilang sa 10 outstanding business taxpayer ang Tiger Resort Leisure and Entertainment; Zuellig Pharma Corporation; Mondelez Philippines Inc.; Johnson and Johnson Phils. Inc.; Coca-Cola Beverages Phils. Inc.; New Oriental Club 88 Corp.; Golden Arches Developers Inc.; DMCI Project Developers Inc.; Super Shopping Market Inc. at Meralco Resorts Leisure Corp.

Kasama naman sa top 10 real estate taxpayer ang Eagle One Landholdings Inc.; Belle Corp.; SM Prime Holdings Inc.; DM Wenceslao; Ayala Land Inc.; Bloomberry Resorts; Manila Development Co.; Manila Bayshore Property Holdings; Nayong Pilipino at Allegro Microsystem Phils Realty Corp.

Ang Eagle One ay isa sa sangay ng Universal Entertainment Corp. at may-ari ng lugar ng casino project sa Entertainment City, habang ang casino license ay nasa ilalim ng Okada’s Tiger Resorts. Ang Belle Corp ang gaming at property unit ng pamilya Sy family at sister company ng SM Investment Corp.

Sa kabilang dako, ang SM Prime Holdings, Inc ang pinakamalaking mall developer at operator sa bansa na nagmamay-ari ng SM Supermalls- 74 sa bansa at pito sa China. Mayroon itong tatlong mall sa Paranaque, ang SM Sucat, SM BF at SM Bicutan.

Aminado si Olivarez na malaki ang ambag sa kita ng pamahalaang lungsod ang pagtatayo ng Entertainment City na hanay ng mga casino, world-class hotel, shopping and leisure destination sa may Manila Bay.

“Because of the participation of business sector and real estate owners by paying their taxes promptly and religiously, the city is now financially stable and actively implementing infrastructure projects that would benefit millions of Paranaqueños in the future,” pahayag pa ni Olivarez.

Nangako ito sa kanyang mga nasasakupan na lahat ng kita sa nakokolektang buwis sa mga negosyo at real estate ay gagamitin sa pagbibigay ng trabaho at serbisyo publiko.

Nagpasalamat ang alkalde kay Lawyer Melanie Soriano-Malaya, Business Permit and Licensing Office chief at city treasurer Anthony Pulmano sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na makabangon sa milyong pagkakautang ang lungsod na minana sa nakaraang administrasyon.

Ipinarating ni Malaya kay Mayor Olivarez na nakamit ng BPLO ang P2.8 billion business tax collection target noong nakaraang taon habang ngayong 2020 business tax collection ay nakuha din ang target na P3.2 bilyon noong Oktubre.

Nagpasalamat ito sa mga lokal at foreign investor sa patuloy na pagtugon sa kanilang responsibilidad sa pagbabayad ng buwis sa kabila ng pandemya.

The post Paranaque top 20 taxpayer pinarangalan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *