Parak timbog sa pangingikil

NAARESTO ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG ang isang pulis na umano ay nangotong sa isang babae sa Lipa City, Batangas, Biyernes nang gabi.

The post Parak timbog sa pangingikil appeared first on Abante News Online.

parak timbog sa pangingikil - Parak timbog sa pangingikil
Arrest - Parak timbog sa pangingikil

By Ronilo Dagos

NAARESTO ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG ang isang pulis na umano ay nangotong sa isang babae sa Lipa City, Batangas, Biyernes nang gabi.

Kinilala ang suspek na si Senior Master Sergeant Darwin Ona, miyembro ng Mataas na Kahoy, Batangas Police Station.

Inaresto ang suspek sa Barangay Inus­luban habang binibilang nito ang pera na inaabot ng biktimang babae sa loob mismo ng kanyang bahay.

Batay sa imbestigasyon, humingi ng tulong ang biktima kay Ona at sa isang tauhan ng Philippine Air Force (PAF) para mabawi ang mga titulo ng kaniyang mga ari-arian na walang pahintulot na naisangla sa bangko ng kaniyang caretaker.

Ayon sa biktima, pangalawang araw pa lang silang nagkakilala ng suspek ay hiningan agad siya ng P40,000 ng pulis.

Naibenta rin ng biktima ang kaniyang SUV pero nahuthot din ni Ona at ng tauhan ng airforce ang naturang pera.

Tinakot pa umano ng dalawa ang biktima.

Desidido ang biktima na kasuhan ng extortion si Ona habang hinahanap na ng awtoridad ang tauhan ng PAF na sangkot din sa kaso

Nakakulong ngayon sa detention facility ng IMEG sa Kampo Crame ang naturang pulis.

The post Parak timbog sa pangingikil appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *