Para sa 13th month: Luging kompanya paayudahan kay Dominguez

Hihilingin ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na ayudahan ang mga naluging employer sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

The post Para sa 13th month: Luging kompanya paayudahan kay Dominguez first appeared on Abante.

para sa 13th month luging kompanya paayudahan kay dominguez - Para sa 13th month: Luging kompanya paayudahan kay Dominguez
abante sonny - Para sa 13th month: Luging kompanya paayudahan kay Dominguez

Hihilingin ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na ayudahan ang mga naluging employer sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Ayon kay Bello pinag-aaralan nila kung anong ilalabas na kautusan at ikinokonsidera niya ang mga suhestiyon ng ilang employer na mapakiusapan si Finance Secretary Sonny Dominguez upang magpasaklolo gayundin kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

“Lambingin namin si Finance Secretary na baka naman pumayag kayo i-subsidize na natin yung mga employers na nalulugi,” anang kalihim.

Ito’y matapos makipagpulong si Bello sa mga labor group at mga employer para talakayin ang posibleng pagpapaliban sa 13th-month bonus dahil sa pandemya na nakaapekto sa mga negosyo. (Mina Aquino)

The post Para sa 13th month: Luging kompanya paayudahan kay Dominguez first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *