Para makatipid: Ex-solon binenta ang mga SUV

UPANG makatipid sa gastos sa gasolina, ibinenta ng da­ting mam­babatas ang kanyang mga sports utility vehicle (SUV).

para makatipid ex solon binenta ang mga suv - Para makatipid: Ex-solon binenta ang mga SUV
kartada11 2 1 - Para makatipid: Ex-solon binenta ang mga SUV

UPANG makatipid sa gastos sa gasolina, ibinenta ng da­ting mam­babatas ang kanyang mga sports utility vehicle (SUV).

Nakarating sa impormasyon ni Mang ­Teban, hindi na raw kaya ng dating mambabatas ang gastos sa gasolina kaya’t dinispatsa ang kanyang mga SUV na malakas kumain ng gasolina.

Wala na kasing malaking kita ang kumag kumpara noong naninilbihan pa itong mambabatas kung saan sagana ang kickback niya sa mga proyektong pinondohan ng pork barrel fund.

Kaya ang gamit ngayon ng ex-solon, ­segunda manong van na pinapatakbo ng diesel.

Hirap daw itong sumakay sa sedan dahil sa katandaan kaya’t pinili ang van sa pagtitipid sa gastos.

Pintahan niyo na. Ang dating mambabatas na dinispatsa ang mga SUV para makatipid ay kilalang dikit sa administrasyon at may letrang O sa pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *