Para iwas dengue: Jogging pants in, school uniform out

HINIKAYAT ni Senador Nancy Binay ang Department of Education (DepEd) na pag-aralan ang posibilidad ng suspendihin ang pagsusuot ng school uniform sa gitna ng patuloy na banta ng dengue sa bansa.

para iwas dengue jogging pants in school uniform out - Para iwas dengue: Jogging pants in, school uniform out
ABANTE school - Para iwas dengue: Jogging pants in, school uniform out

HINIKAYAT ni Senador Nancy Binay ang Department of Education (DepEd) na pag-aralan ang posibilidad ng suspendihin ang pagsusuot ng school uniform sa gitna ng patuloy na banta ng dengue sa bansa.

Sa liham ni Binay kay Sec. Leonor ­Briones ng Department of Education ­DepEd) inirekomenda nito pagsuotin ng jogging pants at hindi uniform ang mga mag-aaral hangga’t hindi pa nakokontrol ang dengue outbreak.

“I am respectfully requesting that your office study the possibility of ­allowing ­students to forgo the wearing of ­uniforms in school in favor of clothing like long sleeves, knee-high socks, and jogging/long pants that would add extra ­protection against insect bites,” sabi ni Binay sa ­kanyang liham.

Naunang idineklara ng Department of Health ang national dengue alert dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso nito sa Pilipinas.

Mula sa datos ng ahensiya nitong ­Enero 1 hanggang Agosto 31, 2019, ­umabot na sa 271,480 ang kaso ng dengue, kung saan 1,107 na ang namatay. (Dindo ­Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *