Para internet world class! PH gov’t dapat mag-invest sa broadband

Malaking tulong sa Pilipinas kung magkakaroon ng batas para sa COVID-19 relief package na katulad ng nilagdaan ni US President Donald Trump kung saan may inilaang $7 bilyong pondo upang palawakin ang broadband access sa milyong-milyong mamamayan nito.

The post Para internet world class! PH gov’t dapat mag-invest sa broadband first appeared on Abante.

para internet world class ph govt dapat mag invest sa broadband - Para internet world class! PH gov’t dapat mag-invest sa broadband
Internet - Para internet world class! PH gov’t dapat mag-invest sa broadband

Malaking tulong sa Pilipinas kung magkakaroon ng batas para sa COVID-19 relief package na katulad ng nilagdaan ni US President Donald Trump kung saan may inilaang $7 bilyong pondo upang palawakin ang broadband access sa milyong-milyong mamamayan nito.

Sa ilalim ng $900 bilyong COVID-19 relief package ng Amerika, layon nitong mabigyan ng broadband access ang milyong-milyong estudyante, mga pamilya at mga walang trabaho na kinakailangan ngayong may pandemya.

Sa naturang relief package, $3.2 bilyon ang inilaan para sa emergency broadband benefit ng mga Amerikano na maliit lamang ang kinikita.

Nakasaad sa COVID-19 stimulus program ng Estados Unidos na malaking bahagi ng pondo nito ay dapat mapunta sa mga bagong programa upang mabigyan ng broadband access ang iba pang pamayanan.

Katulad sa Amerika, dumami ang work-from-home sa Pilipinas dahil sa pandemya kaya naman naging prayoridad para sa mga telco na mamuhunan upang mabigyan ng mas mahusay at mabilis na mobile technology ang mga kawani.

Nag-ulat din ang mga telecommunication company na nadagdagan ng 500% ang data usage sa pagsimula pa lang ng pandemya.

Sabi ni Kevin Chua, World Bank economist at pangunahing may-akda ng report na “A Better Normal Under COVID-19: Digitalizing the Philippine Economy Noaw”, sa isang lipunan na mayroong digital transformation, kailangang pangunahan ito ng pamahalaan mismo katulad ng ginagawa sa ibang bansa.

Kung nais ng Pilipinas na maging `world-class’ sa internet connectivity at speed, dapat mag-invest na ngayon pa lang ang gobyerno sa broadband.

Mayroon nang National Broadband Plan (NBP) ang Department of Information and Communications Technology (DICT) subalit kailangan nito ng P18 bilyon para maipatupad ang programa.

Binawasan kasi ng bicameral committee ang budget ng DICT para sa NBP at ginawa lang itong P956 milyon na hindi uubra para makasabay tayo sa mga pagbabago ng teknolohiya sa ibang bansa.

Hindi kakayanin kung mga telco lang ang gagalaw para matupad ang NBP. Kailngan din tumulong sa programang ito ang gobyerno katulad ng ginawa sa Amerika.

The post Para internet world class! PH gov’t dapat mag-invest sa broadband first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *