Para ‘di magaya sa SAP! Unang tuturukan ng bakuna, pangalanan na – Robredo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na bumuo na ng listahan ng mga indibiduwal na prayoridad sa bibigyan ng libreng bakuna kontra COVID-19.

The post Para ‘di magaya sa SAP! Unang tuturukan ng bakuna, pangalanan na – Robredo first appeared on Abante.

para di magaya sa sap unang tuturukan ng bakuna pangalanan na robredo - Para ‘di magaya sa SAP! Unang tuturukan ng bakuna, pangalanan na – Robredo
LENI - Para ‘di magaya sa SAP! Unang tuturukan ng bakuna, pangalanan na – Robredo

RP

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na bumuo na ng listahan ng mga indibiduwal na prayoridad sa bibigyan ng libreng bakuna kontra COVID-19.

Sa kanyang radio show na BISErbisyong Leni, sinabi ng Bise Presidente na sang-ayon siya na mauna ang mga healthcare worker at mahihirap na komunidad para sa bakuna.

Ngunit aniya, dapat mapangalanan na ang mabibigyan nito para hindi matulad sa kaguluhan noong ipatupad ang social amelioration program (SAP).

“Ang suggestion ko, pangalanan na. Hindi lang ‘yung nakasulat na reprioritization. Halimbawa, health care workers. Alam na natin kung ilan na sila, sino sila, para ‘pag dumating, meron nang recipient,” ani Robredo.

“Huwag na ‘yung nangyari sa social amelioration na halimbawa nagkaroon pa ng problema on the ground sa listahan ng mga recipients kasi hindi pa ready,”aniya pa.

Hinayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa 20 milyong Pinoy ang nais niyang mabakunahan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine.

The post Para ‘di magaya sa SAP! Unang tuturukan ng bakuna, pangalanan na – Robredo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *