Paputok bawal sa Parañaque

Inutos ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa Business Pernit and Licensing Office (BPLO) na agad na kanselahin ang business registration ng mga tindahan na nagbebenta ngmgapaputok para sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon.

The post Paputok bawal sa Parañaque first appeared on Abante.

paputok bawal sa paranaque - Paputok bawal sa Parañaque
Paputok 1 - Paputok bawal sa Parañaque

Inutos ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa Business Pernit and Licensing Office (BPLO) na agad na kanselahin ang business registration ng mga tindahan na nagbebenta ngmgapaputok para sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa nilagdaang Executive Order 2020-63, pinawalang bisa at kinansela ni Olivarez ang lahat ng mayor’s at special permit na inisyu ngayong taon sa lahat ng mga may-ari ng mga tindahan ng mga paputok at pyrotechnic device sa buong kalunsuran.

Pinaliwanag pa ng alkalde na chairman ng NCR-Peace and Order Council na pinagtibay sa pulong ng mga Metro Manila mayor ang resolusyon na nag-uutos na i-ban ang paggamit ng lahat ng uri ng paputok at mga katulad na produkto ngayong papalapit na Bagong Taon.

Ang resolusyon ay alinsunod sa memorandum circular ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagtatakda ng mga regulasyon sa paggamit ng paputok kasabay nang pagtatakda ng isang lugar sa komunidad para sa fireworks display.

“In order to sternly discourage mass gathering during the festive season to contain the spread of COVID-19, there is the need to prohibit exhibition and use fireworks, firecrackers, and other pyrotechnic devices during the New Year’s celebration,” pahayag pa ni Olivarez.

Inatasan din si Parañaque Police chief PCol. Robin King na suyurin at ipasara ang mga tindahan at establisimiyento na hindi susunod sa nabanggit na kautusan.

Muling pinaalalahan ni Olivarez ang mamamayan sa peligrong hatid ng paputok lalo na ngayong may pandemya dahil pagmumulan ito ng mass gathering na mahigpit na pinagbabawal sa ilalim nang umiiral na community quarantine.

The post Paputok bawal sa Parañaque first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *