Papupugot ako ng ulo — Bato

SA loob ng halos anim na buwan niyang panu­nungkulan bilang Bureau of Corrections (BuCor) chief, wala umanong natanggap na parating o pasa­lubong sa naturang ahensiya si Senador ­Ronald ‘Bato’ De la Rosa.

papupugot ako ng ulo bato - Papupugot ako ng ulo — Bato
bato 11 - Papupugot ako ng ulo — Bato

SA loob ng halos anim na buwan niyang panu­nungkulan bilang Bureau of Corrections (BuCor) chief, wala umanong natanggap na parating o pasa­lubong sa naturang ahensiya si Senador ­Ronald ‘Bato’ De la Rosa.

“Klaruhin ko yung sinasabi na pagpasok ng bagong director may pasalubong…never yan nangyari sa aking panahon kahit na pugutan nyo ako ng leeg hindi yan nangyari!” pahayag ni Dela Rosa sa isang statement.

“Ang masakit lang kasi dun para bang ini-imply na yung nangyayari noong panahon nila, ngayon sa panahon namin nangyayari pa rin yan”, dagdag nito.

Sa kanyang pagpasok sa BuCor noong Abril 2018, agad umano niyang pinutol ang mga ‘corrupt practice’ ng ilang tiwaling opisyal ng ahensiya.

Kabilang na aniya dito ang tinatawag na ‘SOP’ o financial favor na binibigay ng mga supplier tulad ng mga may-ari ng catering service na nagbibigay ng lagay sa bagong BuCor chief.

Kahit aniya, noong umalis siya sa BuCor noong Nobyembre ay wala rin siyang natanggap na ‘pabaon’ mula sa mga high profile inmate sa NBP.

“Hindi po, wala pong ganun… ang tapang naman nila kung mag-offer sila sa akin ng ganun [pasalubong, pabaon], ang ahensya na yan napabayaan ng gobyerno pati ang aking pang-gasolina ako pa mismo nagbabayad… hirap talaga ang ahensya na yan,” diin ni Dela Rosa.

Tungkol naman sa paglabas-masok ng ‘tilapia’ o babae sa loob ng NBP, sinabi ni Dela Rosa na hindi niya ito pinayagan sa kanyang termino.

“Wala nga po yan, panahon pa noong nakalipas na pamunuan ang ‘tilapia’ na yan. Pagdating namin, particularly during my time, ang bawat preso if they are behaving properly, meron silang isang araw sa isang buwan na pwedeng magka-conjugal visit yung misis,” sabi ni Dela Rosa.

“Pinapa-fill up namin yan sila ng record kung sino yung kanilang asawa, live-in [partner] or common law wife, ilalagay ang pangalan doon. At yun lang ang authorized pumasok pagdating ng kanilang once a month conjugal visit. Yun lang ang makapapasok”, paliwanag pa nito.

Sa pagharap ni dating BuCor OIC Rafael Ragos sa joint committee ng Senado noong Huwebes, isiniwalat nitong nakakapasok ang tilapia sa New Bilibid Prison at binabayaran ng mga high profile inmate sa halagang P30,000 sa magdamagang serbisyo. Unlimi­ted din ang sugal sa Bilibid dahil sa bukas ito 24 oras.

Hinggil naman sa operasyon ng mga catering service, nagbibigay umano ang caterer ng buwanang lagay sa BuCor chief.

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *