PAO forensic expert tatalupan ng DOJ

KINALAMPAG ng isang mambabatas ang Department of Justice na magsagawa ng reassessment sa kuwalipikasyon ni Erwin Erfe bilang forensic expert ng Public Attorney’s Office (PAO).

pao forensic expert tatalupan ng doj - PAO forensic expert tatalupan ng DOJ
tonite DOJ - PAO forensic expert tatalupan ng DOJ

KINALAMPAG ng isang mambabatas ang Department of Justice na magsagawa ng reassessment sa kuwalipikasyon ni Erwin Erfe bilang forensic expert ng Public Attorney’s Office (PAO).

Ginawa ito ni Compostela Valley Rep. Ruwel Peter Gonzaga, vice-chairman ng house committee on appropriations, bilang pagtalima sa request ni dating health secretary at Iloilo Rep. Janette Garin.

Kinuwestiyon ni Garin kung bakit may forensic laboratory ang PAO gayung hindi ito kasama sa kanilang mandate sa ilalim ng Republic Act 9406, ang batas na lumikha sa PAO.

Matatandaan na ang PAO ang siyang naghain ng kaso laban kay Garin at iba pang opisyal ng administrasyong Aquino dahil sa pagkamatay ng maraming bata sa dengue matapos maturukan umano ng Dengvaxia.

Ayon kay Justice Secretary Me­nardo Guevarra, handa ang kanilang tanggapan na ikonsidera ang isyu hinggil sa kuwalipikasyon ni Erfe gayundin ang isyu sa PAO forensic unit agency.

“The issue of Dr. Erfe’s qualification will be considered together with the bigger issue of the PAO’s legal authority to create a forensic unit within the agency,” saad ni Guevarra. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *