Panibagong buhos ng taas-buwis itutulak ng DOF

SA pagbalik ng Kongreso ngayong araw, muling isusulong ng administrasyong Duterte ang isa pang round ng pagtataas ng buwis.

The post Panibagong buhos ng taas-buwis itutulak ng DOF appeared first on Abante News Online.

panibagong buhos ng taas buwis itutulak ng dof - Panibagong buhos ng taas-buwis itutulak ng DOF
dominguez - Panibagong buhos ng taas-buwis itutulak ng DOF

SA pagbalik ng Kongreso ngayong araw, muling isusulong ng administrasyong Duterte ang isa pang round ng pagtataas ng buwis.

Tweet ng Department of Finance kahapon, “sa kasagsagan ng kampanya noong kakatapos na 2019 elections, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang TRAIN at tax reform ay kailangan ng gobyerno upang makalikom ng pondo para sa iba’t ibang gastusin upang makamit ang komportableng buhay para sa mga Pilipino.”

Unang itinaas ng administrasyong Duterte ang buwis nu’ng 2018 sa ilalim ng TRAIN law na nagpataw ng mas mataas na buwis sa ilang produktong petrolyo at mga soft drink na siyang nagpasipa sa presyo ng mga bilihin.

Inamin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III nu’ng Biyernes na kakapusin ang pondo ng pamahalaan para sa Universal Health Care program sa darating na mga taon gayong kaliwa’t kanan na ang ginawa nitong pangungutang ngayong Mayo pa lamang.

Nangutang ng 750 million Euro ang Department of Finance nu’ng unang linggo ng Mayo at muli itong nangutang ng 2.1 bilyon renminbi nu’ng nakaraang linggo para tustusan ang gastusin ng pamahalaan.

Commercial borrowings ang ginawang pangungutang at hindi overseas development assistance kung saan tinutukoy ng nagpapautang kung saan lamang maaring gastusin ang pondong kanilang pinahihiram. Sa commercial borrowings tulad ng mga global bond issue at panda float, malayang mapipili ng administrasyong Duterte kung saan nito gagastusin ang pera.

Umaabot sa P3.8 trilyon ang planong gastusin ng administrasyong Duterte ngayong taon, higit na mataas kaysa sa P3.4 trilyong budget nito nu’ng 2018. Noong 2017, nasa P2.8 trilyon lamang ang budget ng pamahalaan.

Para sa mga ordinaryong mamamayan, hindi uubra ang sagad-sagarang paggagastos na naitataguyod lamang sa pangungutang. Dahil hindi naman parating tinataas ang suweldo ng mga manggagawa, isa sa mga ginagawa ng mga ordinaryong mamamayan sa pagsasaayos ng kanilang pananalapi ay ang pagbabawas ng gastos.

Inilunsad ng DOF ang kampanya nitong Yosi Kadiri nu’ng nakaraang linggo upang kumuha ng suporta sa plano nitong muling magpataw ng buwis. (Eileen Mencias)

The post Panibagong buhos ng taas-buwis itutulak ng DOF appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *