Pangkarerang kalapati nabenta ng $1.4M

Isang Chinese ang bumili ng kalapati sa halagang $1.4 mil­yon sa isang auction na i­norganisa ng website na PIPA.

The post Pangkarerang kalapati nabenta ng $1.4M appeared first on Abante News Online.

pangkarerang kalapati nabenta ng 1 4m - Pangkarerang kalapati nabenta ng $1.4M
abante kalapati - Pangkarerang kalapati nabenta ng $1.4M

Isang Chinese ang bumili ng kalapati sa halagang $1.4 mil­yon sa isang auction na i­norganisa ng website na PIPA.

Ang kalapati, pinangala­nan na Armando ay itinutu­ring na Lewis Hamilton ng mga pangarerang kalapati dahil sa bilis nitong lumipad.

Dalawang Chinese ang nag­laban para mabili sa auction si Armando kung saan mula sa $600,000 ay umakyat sa $1.4 milyon ang bid sa loob ng isang oras.

Si Armando na ang pinakamahal na kalapating isinubasta. Tinalo niya ang dating pinakamahal na nabi­ling kalapati na si ‘Nadine’ na naibenta ng $450,000 noong 2017.

Ang nakabili kay Armando ay nakilalang si Xing Wei.

Biglang yaman ang bree­der na si Joel Verschoot na siyang nag-alaga kay Armando, isang Belgian racing pigeon. Naibenta din ni Verschoot ang kalapating si Contador sa halagang $225,000 at 176 pang kalapati, kabilang ang pitong anak ni Armando.

Kabuuang $2.5 milyon ang kinita ni Verschoot sa mga binentang kalapati.

The post Pangkarerang kalapati nabenta ng $1.4M appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *