Pangalanan mga sangkot sa DPWH korapsyon – Sotto

Hinamon ni Senate President Vicente Sotto III ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na ibunyag ang pangalan ng mga mambabatas na sangkot diumano sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

The post Pangalanan mga sangkot sa DPWH korapsyon – Sotto first appeared on Abante.

pangalanan mga sangkot sa dpwh korapsyon sotto - Pangalanan mga sangkot sa DPWH korapsyon – Sotto
abante tito sotto - Pangalanan mga sangkot sa DPWH korapsyon – Sotto

Hinamon ni Senate President Vicente Sotto III ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na ibunyag ang pangalan ng mga mambabatas na sangkot diumano sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Kailangan ilabas natin, patunayan natin, sino-sino ‘yung mga contractors, sino ‘yung mga congressman, sino ‘yung mga senator, legislator, kahit sino pa, or cabinet member, kahit sino, ilabas natin,” pahayag ni Sotto sa panayam sa radyo.

“Yun ang maganda, para hindi…magagalit ‘yung iba diyan, sigurado sasabihin, who are you alleging to? Ang nangyayari diyan, everybody is suspect. Pangalanan and then show the evidence,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos sabihin ni PACC Commissioner Greco Belgica na ilang kongresista ang nam-bu-bully diumano sa DPWH district engineers at nakikipagsabwatan sa mga mambabatas, contractor at district enginner.

Sabi ni Belgica, isusumite nila ang kanilang report kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga kaukulang ahensiya para magsagawa ng imbestigasyon.

Pero giit ni Sotto, hindi matitigil ang katiwalain na kinasasangkutan din ng mga mambabatas at iba pang indibidwal kung ito papangalan ng PACC.

“Paano matitigil kung hindi mo ilalantad? Sino sa Public Works ang gumagawa niyan? Sino-sino sa kanila? Ano ang ebidensiya na ginawa nila ‘yan? ‘Yun ang importante para matigil once and for all,” ani Sotto.

“‘Yung may mga ebidensiya, ilabas para pinakamaganda. At imbitahan natin ‘yung mga dapat na imbestigahan,” wika pa nito.(Dindo Matining)

The post Pangalanan mga sangkot sa DPWH korapsyon – Sotto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *