Pang-6 na quarantine facility sa Maynila binuksan

Bukas na sa publiko ang quarantine facility para sa mga residente ng Sampaloc District sa Maynila.

pang 6 na quarantine facility sa maynila binuksan - Pang-6 na quarantine facility sa Maynila binuksan
isko 37 - Pang-6 na quarantine facility sa Maynila binuksan

Bukas na sa publiko ang quarantine facility para sa mga residente ng Sampaloc District sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, binuksan na ang 42 bed capacity na pasilidad sa Dapitan Sports Complex, na pang-anim na naitayo sa lungsod.

Kasama ni Moreno sa pagpapasinaya nito ang kanyang bise alkalde na si Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, Manila Health Department (MHD) Dir. Dr. Arnold Pangan, City Engineering Office Chief Engr. Armand Andres at 4th District Councilors DJ Bagatsing at Science Reyes.

Maaari umanong madala dito mga suspected at probable case ng COVID-19.

Sabi ng alkalde, huwag umanong mangangamba ang ilang residente sakaling malapit sila sa mga itinatayong quarantine facility dahil nais lamang ng pamahalaang lungsod na mailayo sa kapahamakan ang kanilang mga mahal sa buhay sakaling makaranas sila ng mga sintomas ng nakamamatay na COVID-19.

Sakaling magpositibo sila sa isinasagawang rapid testing ay maaari silang mailagay sa nasabing mga pasilidad kung saan hindi na sila lalayo pa.

Samantala, sinabi ni Moreno na may panibagong 20,000 rapid test kit ang ipinagkaloob na donasyon na makatutulong sa layunin ng siyudad hinggil sa tuloy-tuloy nilang isinasagawang pagsusuri, pag-isolate at pag-aalaga sa mga posibleng nahawa at nagtataglay na ng sakit na COVID-19.

Nasa sa mahigit 260 bed capacity ang kabuuang bilang sa mga naitayong mga quarantine facility sa Maynila.

Kabilang dito, ang Delpan Quarantine Facility, Araullo High School quarantine facility, Tondo High school quarantine facility, T. Paez Highschool quarantine facility at Arellano Highschool quarantine facility. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *