Panelo sa napipintong paglaya ni Sanchez: Wala akong papel diyan!

ITINANGGI ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroon siyang kinalaman sa napipintong paglaya mula sa kulungan ni convic­ted ra­pist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

panelo sa napipintong paglaya ni sanchez wala akong papel diyan - Panelo sa napipintong paglaya ni Sanchez: Wala akong papel diyan!
abante panelo 1 - Panelo sa napipintong paglaya ni Sanchez: Wala akong papel diyan!

ITINANGGI ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroon siyang kinalaman sa napipintong paglaya mula sa kulungan ni convic­ted ra­pist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Sinabi ni Panelo na bagama’t isa siya sa da­ting abogado ni Sanchez, matagal na aniya siyang nag-withdraw bilang isa sa kanyang legal counsel kahit pa bago iapela ang kaso nito sa Court of Appeals.

Dalawampu’t pitong taon na aniya siyang umalis bilang isa sa mga abogado ni Sanchez at ang nakatakdang paglaya nito ay alinsunod sa umiiral na batas.

“Masyadong malayo naman ‘yan, 27 years ago pa akong abogado. Nag-withdraw na ako even before the appeal, nag-withdraw na ako,” ani Panelo.

Ipinaliwanag na aniya ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mayroong batas na nagpapahintulot na mapalaya ang isang preso batay sa sinusunod na criteria sa loob ng pambansang piitan kaya napabilang si Sanchez sa 11,000 preso na makakalaya sa susunod na mga buwan.

“As correctly pointed out by secretary Guevarra, hindi na kailangan ang kahit na sinong taong mag-intervene o luma­kad sa release kasi mayroong batas na na-benefit si Sanchez pati ‘yung labing-isang libo pa,” dagdag pa ni Panelo.

Kailangan aniyang igalang ang isinasaad ng batas na pinagtibay noong 2013 pati na ang desisyon ng Korte Suprema na retroactive in nature ito, kaya’t lahat ng nabilanggo noong 2013 na napagsilbihan na ang maximum year ng kanilang sentensiya at nagpa­kita ng good behavior sa loob ng kulungan ay makakalaya alinsunod sa nabanggit na batas.

Si Sanchez ay hinatulan ng hukuman ng reclusion perpe­tua o habambuhay na pagkabilanggo dahil sa panggagahasa sa estudyante ng University of the Philippines-Los Baños na si Eileen Sarmenta, at pagpatay sa boyfriend nito na si Allan Gomez, noong 1993. (Aileen Tali­ping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *