Panelo naglabas ng matrix sa mga utak ng narco video

INILADLAD sa publiko ng Malacañang ang mga nasa likod ng narco videos ni alyas ‘Bikoy’ na naglalayong siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at palakasin naman ang kandidatura ng Otso Diretso.

The post Panelo naglabas ng matrix sa mga utak ng narco video appeared first on Abante News Online.

panelo naglabas ng matrix sa mga utak ng narco video - Panelo naglabas ng matrix sa mga utak ng narco video
panelo5 - Panelo naglabas ng matrix sa mga utak ng narco video

INILADLAD sa publiko ng Malacañang ang mga nasa likod ng narco videos ni alyas ‘Bikoy’ na naglalayong siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at palakasin naman ang kandidatura ng Otso Diretso.

Ipinakita ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang isang matrix ng sabwatan ng iba’t ibang personalidad para sirain ang kredibilidad ng Pangulo at ang kanyang administrasyon.

Sinabi ni Panelo na nakatanggap ng intelligence information si Pangulong Duterte na tumutukoy sa Liberal Party (LP), Magdalo group, Jose Maria Sison, Senador Antonio Trillanes IV at ilang media organizations na nasa likod ng paninira sa kanya sa pamamagitan ng inilabas na serye ng narco videos.

Kasama rin sa binanggit ni Pane­lo ang pangalan ng mga supporter ng LP na sina kokoy Dayao, Bong Banal at Rodel Jayme kung saan ginamit ng mga ito ang kanilang email para ikalat ang video ni Bikoy.

Kabilang sa mga pangalang binanggit ni Panelo na lumabas sa intelligence report at sa matrix ay sina da­ting Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Trillanes, Ellen Tordesillas. Hamad Fontejos at ilan pang LP supporters.

Mayroon ding ginawang pagkumpara sa boses ni Bikoy bilang narrator at ang lumantad na bikoy na si Peter Joemel Advincula at malaki ang pagkakaiba ani Panelo dahil tunog Bicolano ang lumantad na Bikoy. (Aileen Taliping)

The post Panelo naglabas ng matrix sa mga utak ng narco video appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *