Panelo kay Robredo: Tumulong sa problema ng trapik

SA halip na pumuna sa gobyerno, mas makabubu­ting tumulong na lamang si Vice President Leni Robredo para malutas ang problema sa trapiko.

panelo kay robredo tumulong sa problema ng trapik - Panelo kay Robredo: Tumulong sa problema ng trapik
panelo and robredo 1 - Panelo kay Robredo: Tumulong sa problema ng trapik

SA halip na pumuna sa gobyerno, mas makabubu­ting tumulong na lamang si Vice President Leni Robredo para malutas ang problema sa trapiko.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salva­dor Panelo bilang reaksiyon sa inihayag ng Pa­ngalawang Pangulo na dapat aminin ng gobyerno na mayroong transport crisis, pati na ang pagpuna sa paggamit ng wangwang ng mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Panelo na sa halip na puro puna at batikos, mas makabubuting magbigay na lamang ng mungkahi ang Vice President para makatulong sa paglutas sa problema sa trapik.

“‘Yung mga mahilig maghamon, eh magbigay kayo ng mga mungkahi kung papaano kayo makakatulong sa pamahalaan ng magandang mga proposal gaya ni VP Leni. Eh tama na ‘yung kritisismo. Kasi sinasabi niya “ami­ning may crisis”, eh susmaryosep naman, sinabi na ngang may traffic crisis eh. Hindi lang tayo nagkakaintindihan doon sa… sinabi ko kasing transport crisis may paralysis, eh wala naman, eh may crisis pa rin. But hindi makakatulong ‘yan. Magbigay na lang kasi ng proposal para makatulong sa pamahalaan. ‘Yun ang solusyon doon,” ani Panelo.

Kaugnay naman sa puna ni VP Leni sa paggamit ng wangwang dahil malaking insulto aniya ito sa publiko, sinabi ni Panelo na wala siyang matandaang Cabinet official na gumagamit nito.

Nangyayari lamang aniya ito kung emergency at kailangang makarating agad ang isang opis­yal sa pupuntahan.

“Sino ba ang nagwawangwang? Ako hindi nagwawangwang. Ginagawa lang ‘yun pag may emergency, kung Cabinet ang involved, kailangan makarating ka dapat sa paroroonan mo. Bihirang-bihira ‘yan, kahit ako bihirang-bihira makita ‘yan,” dagdag ni Panelo.

Kahit aniya si Pangulong Rodrigo Duterte at ayaw ng wangwang, at katunayan noong alkalde pa ito sa Davao City ay hinahayaan lamang niya ang ibang motorista kahit ino-overtake ang kanyang sasakyan.

“Kahit si Presidente ayaw ng wangwang eh, kahit nu’ng mayor ‘yan, sumasakay ako sa kanyang pick-up. Ayaw na ayaw niya nga ‘yung nag-o-overtake eh.
Personally si Presidente ayaw niya ng mga ganong wangwang, but I can understand kung kailangan gamitin mo ‘yung wangwang on a particular occasion,” wika pa ni Panelo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *