Panalo ni Rep. Lopez pinagtibay ng HRET, protesta ni Asilo binasura

Kinatigan ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang pagkakapanalo ni Manila 1st District Rep. Manuel Luis T. Lopez noong May 13, 2019 congressional elections at ibinasura ang election protest na inihain ng nakalaban nitong kandidato.

The post Panalo ni Rep. Lopez pinagtibay ng HRET, protesta ni Asilo binasura first appeared on Abante.

panalo ni rep lopez pinagtibay ng hret protesta ni asilo binasura - Panalo ni Rep. Lopez pinagtibay ng HRET, protesta ni Asilo binasura
lopez 1 - Panalo ni Rep. Lopez pinagtibay ng HRET, protesta ni Asilo binasura

Kinatigan ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang pagkakapanalo ni Manila 1st District Rep. Manuel Luis T. Lopez noong May 13, 2019 congressional elections at ibinasura ang election protest na inihain ng nakalaban nitong kandidato.

“This re-election is not for me but for the thousands of Manileños who have given me the mandate to represent their voices in the halls of Congress. Finally, this protest filed on mere suspicion, devoid of factual basis, and aimed at harassment has been junked,” pahayag ni Rep. Lopez, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development kahapon.

“Since the beginning, we are confident that the will of the people and the choice of my constituents will emerge victorious against this obvious political maneuver. We thank the HRET for settling this matter once and for all,” dagdag ng kongresista.

“Our landslide win was clear and irrefutable that even our opponent failed to present his supposed ‘witnesses’.”

Sa desisyon ng Tribunal ay ibinasura ang protesta ng natalong katunggali ni Rep. Lopez na si Benjamin Asilo.

Nakakuha si Lopez ng 86,993 o mas mataas ng 13,687 bilang ng mga boto kumpara sa 73,306 ni Asilo.

Si Asilo ay two-termer councilor at naging kinatawan ng unang distrito ng lungsod ng Maynila sa loob ng tatlong magkakasunod na termino bago nahalal si Rep. Lopez pagsapit ng taong 2016.

“While the protest did not hinder me from doing my mandate to serve our constituents, this decision has inspired me to do more and serve better. Huwag na po natin sayangin pa ang mahalagang oras sa pamumulitika,” pagdidiin ni Rep. Lopez.

“The people elected me to serve them, and that has been and will continue to be my main focus.”

Base sa resolusyon ng HRET na may Case No. 19-006 (EP) at petsa nitong Agosto 27, 2020, inihayag ng siyam na miyembro ng Tribunal ang mga sumusunod, “clear that protestant (Asilo) filed the instant protest on a mere gut feel or suspicion that the election results do not reflect the will of the electorate of the First District of Manila.”

“The instant Election Protest dated July 4, 2019, filed on July 8, 2019, is dismissed for being insufficient in form and substance, in accordance with Rule 23, paragraph 1 of the 2015 HRET Rules. Protestee’s Counter-Protest dated August 31, 2019, filed on September 2, 2019, is likewise dismissed as a consequence of the dismissal of the Election Protest,” nakasaad pa sa desisyon ng HRET.

Salig sa Konstitusyon ang Tribunal ang binibigyan ng mandato upang maggawad ng hatol sa lahat ng angal o protesta na may kinalaman sa eleksyon, returns at kuwalipikasyon ng miyembro.

Binanggit din sa desisyon na ang mga alegasyon ni Asilo ay hindi umano nakabatay sa “ultimate facts” kundi sa “conclusions of facts” kaya nabigo na magpakita ng “valid cause of action.”

Sinang-ayunan ni Rep. Lopez ang Tribunal ng banggitin ang hakbang ni Asilo na tablahin ang testimonya ng 112 testigo na magsisilbing patunay sa “traditional election irregularities, manipulations and anomalies.”

Ipinapakita lamang diumano nito na ang aksyon ni Asilo ay hindi naaayon sa “factual basis” at sa halip ay sa “shocking discrepancy” sa pagitan ng bilang ng mga bumoto.

“The protestant himself admitted that local pre-election surveys projected my win and that his contention was based on his disbelief that he lost ‘not by hundreds but by thousands of votes’,” pagpupunto ni Rep. Lopez.

“These alone are manifestations that his fake claims are of no match to the resounding support of our constituents,” giit pa nito.

Si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang tumayong chair ng Tribunal na binubuo ng tatlong Supreme Court justices at anim na miyembro ng Kamara de Representantes.

The post Panalo ni Rep. Lopez pinagtibay ng HRET, protesta ni Asilo binasura first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *