Pamimirata high-tech na: OMB dagdagan ng pangil – Gatchalian

Dapat na umanong amiyendahan ang Optical Media Act of 2003 (OMA) upang mabigyan ng pangil ang Optical Media Board (OMB) laban sa mga namimirata ng mga pelikula at TV content, ayon kay Senador Win Gatchalian

pamimirata high tech na omb dagdagan ng pangil gatchalian - Pamimirata high-tech na: OMB dagdagan ng pangil – Gatchalian
win gatchalian 1 - Pamimirata high-tech na: OMB dagdagan ng pangil – Gatchalian

Dapat na umanong amiyendahan ang Optical Media Act of 2003 (OMA) upang mabigyan ng pangil ang Optical Media Board (OMB) laban sa mga namimirata ng mga pelikula at TV content, ayon kay Senador Win Gatchalian

Sa pagdinig sa 2020 budget ng OMB, sinabi ni Gatchalian napag-iwanan na ng makabagong panlasa at teknolohiya ang 16-taong gulang na batas.

Nabanggit ng senador ang paglipat ng pamimirata mula sa compact discs (CDs) at Digital Video Discs (DVDs) tungo sa Universal Serial Bus (USB), Secure Digital (SD) Cards, at internal at external na storage devices.

Sabi ni Gatchalian, kailangan na talagang amiyendahan ang OMA upang makasabay ito sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya.

“Ngayon na nagkaroon na ako ng pagkakataon na suriin ng mabuti ang mandato at budget ng OMB, kumbinsido na ako na kailangan nang i-update ang batas. Mistulang nalipasan na ng panahon ang OMA,” ayon kay Gatchalian.

“Upang makasabay sa uso at makabagong teknolohiya dapat talagang kaugalian ang pag-update sa ating mga batas. Bukas kami sa mungkahi ng OBM, iintayin ko ang kanilang proposal,” saad pa nito.

Bukod sa pag-raid ng mga tindahan, tinanong ni Gatchalian si OBM Chairman Atty. Anselmo Adriano kung may iba pang mga plano ang ahensya laban sa pagpipirata.

Sabi ni Adriano, hindi na sapat ang enforcement para labanan ang pamimirata, kaya bukod sa mga raid, naglunsad na ang ahensya ng anti-online piracy awareness campaign upang maliwanagan ang publiko ukol sa illegal content consumption at paglaganap ng pinagbabawal na streaming devices.

Sabi pa nito, nakakabahala ang hindi pagsaklaw ng batas sa talamak na pamimirata na nangyayari sa internet.

“Kahit na gusto naming lagyan ng regulasyon ang mga lumalabas sa internet, sa kasamaang-palad, ang kasalukuyang batas, ang RA 9239, na naipasa pa noong 2003 ay hindi nasasaklawan ang anumang nasa internet. Kami po ay isang storage-based regulatory agency lamang,” pahayag ni Adriano.

Sa datos ng OMB, humigit kumulang ₱3 bilyong halaga ng optical media discs ang nakumpiska ng ahensya sa nakalipas na tatlong taon. Samantala, nasa 1,673 USB flash drives naman ang nakumpiska noong operasyon ng OMB mula Enero 1 hanggang Setyembre 15, 2019.

Sa naturang taon, nakasamsam din ang OMB ng 428,505 pirated optical media products na nagkakahalaga ng P219 million.

Subalit, ayon kay Adriano, bumaba na ng halos 57% ang bentahan ng optical media discs o DVDS sa nakalipas na tatlong taon. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *