Pamilyang Pinoy purdoy kumonti kahit pandemya

Itinuturing ng halos kalahati o 48% ng pamilyang Pinoy ang kanilang mga sarili bilang mahirap sa buwan ng Nobyembre ngayong 2020.

The post Pamilyang Pinoy purdoy kumonti kahit pandemya first appeared on Abante.

pamilyang pinoy purdoy kumonti kahit pandemya - Pamilyang Pinoy purdoy kumonti kahit pandemya
abante pamilya 1 - Pamilyang Pinoy purdoy kumonti kahit pandemya

Itinuturing ng halos kalahati o 48% ng pamilyang Pinoy ang kanilang mga sarili bilang mahirap sa buwan ng Nobyembre ngayong 2020.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong nakaraang buwan, lumitaw na mas mababa ito kumpara sa 54% na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.

Batay sa survey, 36% ang nagsabing sila ay ‘borderline poor’ o nasa hangganan ng pagiging mahirap at 16% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Sa Luzon, bumaba mula sa 29% noong Disyembre nakaraang taon sa 20% ngayong 2020 ang nagsabing mahirap sila. May 6% naman sa Visayas ang nagsabing hindi sila naghirap ngayong taon kumpara sa 12% noong 2019.

Samantala, itinuring ng 60% sa mga Bisaya na mahirap sila habang 35% naman ang nasa borderline.

Sa Mindanao, 3% lang ang nagsabing hindi sila mahirap. Sinabi naman ng 54% na mahirap sila habang 43% ang nasa borderline.

Wala namang pagbabago at nanatili sa 42% ng mga taga-Metro Manila ang nagsabing eksakto lang at hindi sila naghirap.

Ikinunsidera ng 45% na mahirap sila habang 14% ang nasa hangganan o borderline.

Bukod dito, ikinunsidera ng 31% ng pamilyang Pilipino na kulang sila sa pagkain; 47% ay sapat lang umano ang pagkain; at 22% naman ang hindi nakaranas ng kakulangan sa kanilang pagkain.

Hindi rin nagbago ang national median Self-Rated Poverty (SRP) Threshold na nasa P12,000 at Self-Rated Poverty Gap na nasa ₱5,000.

Ang SRP Threshold ay ang minimum na buwanang sahod na kailangan ng mga mahihirap na pamilya para sa kanilang pang-araw-araw.

Isinagawa ang survey sa hanay ng 1,500 respondents mula November 21 hanggang 25. (Mia Billones)

The post Pamilyang Pinoy purdoy kumonti kahit pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *