Pamilya nilamon ng apoy sa Laguna

Patay ang limang miyembro ng isang pamilya sa sunog na tumupok sa kanilang tahanan sa Magdalena, Laguna Sabado ng madaling-araw.

The post Pamilya nilamon ng apoy sa Laguna first appeared on Abante.

pamilya nilamon ng apoy sa laguna - Pamilya nilamon ng apoy sa Laguna
Sunog - Pamilya nilamon ng apoy sa Laguna

Patay ang limang miyembro ng isang pamilya sa sunog na tumupok sa kanilang tahanan sa Magdalena, Laguna Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Magdalena police, posibleng natutulog ang pamilya nang sumiklab ang apoy alas-3:15 ng umaga sa bahay nito sa Corvite St. Brgy. Poblacion, kaya hindi nakalabas ang mga ito.

Kinilala ang mga nasawing ama na sina Rivelino Renieva, 41; misis niyong si Kristina Cassandra, 35, na isang guro; at ang tatlong menor de edad na anak ng mga ito.

Ayon sa Magdalena Police, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga damit at mga raw material na mga tela na nasa loob ng warehouse na karatig ng tahanan.

Alas-6:30 na ng umaga nang ideklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na naapula na ang sunog.

Nadiskubre sa loob ng bahay ang magkakatabing mga sunog na labi ng mga biktima. Iniimbestigahan pa ng BFP ang dahilan ng apoy.

Samantala, nasawi rin ang isang lalaki nang makulong sa kanyang nasunog na bahay sa Lucena City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rodelio Camacho Mendoza, 40, residente ng Torres Subdivision, Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City.

Batay sa report ng Lucena City police, pasado alas-sais ng gabi, nakita na lamang ng mga residente ang makapal na usok na nagmumula sa bahay.

Sinundan ito ng biglang paglaki ng apoy na mabilis tumupok sa kabahayan.

Nakita pa ng mga residente ang biktima na humihingi ng tulong mula sa bintana na nababalutan ng bakal na grills.

Nang maapula ng mga bombero ang apoy, nakita ang labi ng biktima na tuluyan nang hindi nakalabas ng bahay. Tinatayang nasa 1 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

Inaalam pa ang sanhi ng apoy para sa dalawang insidente. (Ronilo Dagos)

The post Pamilya nilamon ng apoy sa Laguna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *