Pamilya ng namatay na Pinoy sa Taiwan, humingi ng tulong

UMAPELA ng tulong pinansiyal ang mga kaanak ng isa sa dalawang Pinoy na nasawi matapos gumuho ang isang tulay sa Taiwan.

pamilya ng namatay na pinoy sa taiwan humingi ng tulong - Pamilya ng namatay na Pinoy sa Taiwan, humingi ng tulong
Abante Taiwan - Pamilya ng namatay na Pinoy sa Taiwan, humingi ng tulong

UMAPELA ng tulong pinansiyal ang mga kaanak ng isa sa dalawang Pinoy na nasawi matapos gumuho ang isang tulay sa Taiwan.

Nitong Miyerkules nang matagpuang wala nang buhay ang dalawang Pinoy na nakilalang sina Andree Serencio at Gorge Impang ng mga rescue team sa nasabing bansa.

Ayon sa misis ni Impang na si Mary Ann, sinabi sa kanila ng isa sa opisyal mula sa Manila Economic and Cultural Office (MECO), na kailangan nilang lumipad patungong Taiwan para iproseso ang ilang mga dokumento at sagutin muna nila ang gastos sa pamasahe bago ito i-reimbursed.

“Kahapon pa po kami nagbu-booking para sa flight sana namin bukas, hindi kami makapasok sa online. Nananawagan kami ng ibang tutulong, sana mag-shoulder sa ticket namin para kami’y makaalis kaagad-agad para maasikaso namin yung asawa ko doon,” ani Mary Ann.

Ayon kay MECO-Taiwan Director for Administration Gerry De Belen, kanila aniyang sisiyasatin ang protocol para sa pagkuha ng ticket ng pamilya Impang.

Itinigil na ang operasyon makaraang marekober na ng mga awtoridad ang bangkay ng mga nawawala kabilang ang isa pang Pinoy na si Romulo Escalesa Jr.

Sa huling ulat, nakarating na ang asawa ni Impang sa Taiwan. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *