Pamilya Marcos i-ban sa UP, Mapua

NAIS ng mga student leader ng University of the Philippines at Mapua University na i-ban sa kanilang campus ang mga anak ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

pamilya marcos i ban sa up mapua - Pamilya Marcos i-ban sa UP, Mapua
ABANTE Mapua - Pamilya Marcos i-ban sa UP, Mapua

NAIS ng mga student leader ng University of the Philippines at Mapua University na i-ban sa kanilang campus ang mga anak ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Isang resolusyon ang nilagdaan ng mga student leader upang ideklarang persona non grata sa kanilang campus ang asawa ni dating Pangulong Marcos na si Imelda, mga anak na sina Imee, Bongbong at Irene.

Ang kontrobersiyal na pagbisita ni Imee sa UP Diliman noong 2018 para sa reunion ng Kabataang Barangay at kapatid nitong si Irene sa UP Diliman at Ateneo de Manila University ang nag-udyok sa mga li­der ng naturang unibersidad na pirmahan ang resolusyon.

“Their right to enter these universities was revoked after they started killing student leaders one by one du­ring Martial Law,” pahayag ni Renzo Relente ng UP Diliman University Student Council (USC) noong Huwebes.

“Academic spaces are first and foremost a space for knowledge and the safety of students,” dagdag nito.

Kinakausap na rin ang iba pang mga student organization katulad ng ADMU, Polytechnic University of the Philippines (PUP) at Pamantasan ng Maynila (PLM) para lagdaan ang naturang anti-Marcos resolution.

Tinawanan lamang ni Senadora Imee Marcos ang diumano’y pagbawal sa miyembro ng kanilang pamilya na makapasok sa dalawang unibersidad.

“Hay nako ‘day, dedma na, nakailang dekada na,” pahayag ni Imee. (Dindo Ma­tining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *