Pambili ng face shield pangtsibog na lang

Kinastigo ni Senadora Imee Marcos ang mandatory requirement na face shield ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na ipapatupad simula August 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

pambili ng face shield pangtsibog na lang - Pambili ng face shield pangtsibog na lang
ace shield - Pambili ng face shield pangtsibog na lang

Kinastigo ni Senadora Imee Marcos ang mandatory requirement na face shield ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na ipapatupad simula August 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Marcos dagdag pasanin at gastos lang para sa mga naghihikahos na mga Pinoy ang requirement na ito ng DOTr para sa mga pasahero jeep, bus, tren at eroplano.

“Dagdag pahirap ito sa ating mga kababayan. Imbes na pambili ng noodles, mapupunta sa face shield. Hindi pa ba sapat ang physical distancing at pagsusuot ng face mask? Meron pang barrier,” pahayag ni Marcos.

Pinaalalahanan ni Marcos si DOTr Secretary Arthur Tugade na huwag basta-basta biglain sa gastusin ang taumbayan dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa o empleyado at iba pang mananakay.

Ang presyo ng face shild ay nagkakahalaga ng P30- P40 at napabalitang sumirit na ito sa P60 – P65 bawat piraso.(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *