Pambansang sipsip, kinuyog sa social media

Nagmukhang katawa-tawa sa social media itong isang celebrity dahil sa pagiging sipsip sa administrasyon.

The post Pambansang sipsip, kinuyog sa social media first appeared on Abante.

pambansang sipsip kinuyog sa social media - Pambansang sipsip, kinuyog sa social media
Abante Kartada 8 - Pambansang sipsip, kinuyog sa social media

Nagmukhang katawa-tawa sa social media itong isang celebrity dahil sa pagiging sipsip sa administrasyon.

Alam ny’o ba mga utaw na sa halip matuwa ang mga netizen ay kabaligtaran ang nangyari dahil nagmukhang trying hard itong celebrity para lamang maipagtanggol ang Presidente mula sa batikos ng mga kritiko.

Halos puro question marks at malaking “bakit?” ang dumadaan sa feed ng celebrity habang naka-live dahil wala naman umano itong kinalaman sa gobyerno.

Maaanghang din na mga salita ang inabot nitong si boy kuda sa mga sutil na netizen dahil sa sobrang pagpuri nito at pagtatanggol sa Presidente na anila ay “epal to the max”!.

Kung tutuusin naman kasi, hindi naman kailangan ang pananaw nitong celebrity dahil wala namang nagtatanong sa kanya pero dahil sa sobrang panatiko yata ay kahit konting kibot lang ay to the rescue itong si ‘Boy Kuda’.

Mabuti na lang hindi rin sumawsaw ang isa pang laos na celebrity na kasa-kasama nitong si boy Kuda na pakalat-kalat lang sa Malacañang noong wala pang lockdown.

Ang sabi nga ng mga pilyong netizen kay celebrity, huwag na lang siyang makisawsaw sa politika at sa halip ay harapin na lang ang pag-aartista dahil iyon naman talaga ang bagay sa kanya.

Clue: Laging nakabuntot ito sa tatay Digong nya lalo na sa mga Presidential trips at kapag natatanong sa biyahe ay agad sasabihing sariling gastos niya ito. Haler! Sinong niloloko mo? May letrang A ito sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Ang epal. O gets nyo na?

The post Pambansang sipsip, kinuyog sa social media first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *