Pambabakal ng BOC, mga steelmaker pinakakalkal

PAIIMBESTIGAHAN ng isang mambabatas ang umano’y korapsyon sa pagitan ng ilang dambuhalang steel manufacturer at mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sanhi ng pagkalugi ng pamahalaan ng bilyon-bilyon sa buwis kabilang ang multa sa dina­yang mga import declaration.

pambabakal ng boc mga steelmaker pinakakalkal - Pambabakal ng BOC, mga steelmaker pinakakalkal
steel - Pambabakal ng BOC, mga steelmaker pinakakalkal

PAIIMBESTIGAHAN ng isang mambabatas ang umano’y korapsyon sa pagitan ng ilang dambuhalang steel manufacturer at mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sanhi ng pagkalugi ng pamahalaan ng bilyon-bilyon sa buwis kabilang ang multa sa dina­yang mga import declaration.

Ayon kay Buhay Haya­ang Yumabong (Buhay) Rep. Lito Atienza, ang naluging kita sa buwis ay dapat nadagdag sa kaban ng bayan para tus­tusan ang social services at infrastructure project ng administrasyong Duterte.

Ipinasa ng Kamara ang economic tax reform na tanggalin ang mga patakarang nagpapahirap sa mga dayuhang gampanan ang kanilang propesyon sa Pilipinas at pagpapadali ng buwis sa financial instrument.

“Instead of introducing new tax reforms to raise re­venue for the government’s social services and infrastructure programs, the government should be looking into the issue of smuggling at BOC, especially steel” giit ni Atienza.

“The huge amount of tax revenues the government is losing due to this malpractice could be used to fund infrastructure pro­jects under the president’s ‘Build, Build, Build’ prog­rams, particularly those that are intended to alleviate the country’s transportation system to ease the commuters’ daily burden,” ayon pa kay Atienza.

Nauna nang kinumpirma ni Dante Jimenez, chair ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na kanilang iniimbestigahan ang posibilidad na ang mga isinumiteng importation document ng mga biga­ting steel manufacturer ay senyales ng misdeclaration kaya mali ang ibinabayad na buwis sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *