Pamasko sa mga reporter, idinaan sa money remittance

Hindi pa rin natitinag ang korona sa ulo ng isang kongresista sa Metro Manila sa pagiging Darling of the Press.

The post Pamasko sa mga reporter, idinaan sa money remittance first appeared on Abante.

pamasko sa mga reporter idinaan sa money remittance - Pamasko sa mga reporter, idinaan sa money remittance
Abante Kartada 8 - Pamasko sa mga reporter, idinaan sa money remittance

Hindi pa rin natitinag ang korona sa ulo ng isang kongresista sa Metro Manila sa pagiging Darling of the Press.

Panatiko siya ng kasabihang “pag gusto, may paraan, pag ayaw, maraming dahilan.” Walang binatbat sa kanya si Hollywood actress Sandra Bullock sa pagiging consistent na Miss Congeniality.

Alam naman natin na bawal magdaos ng Christmas party noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 kaya nag- isip siya ng paraan kung paano mapapasaya kahit konti ang mga reporter na nagco-cover din sa kanya sa isang distrito sa Metro Manila.

Siguro may nagpayo sa kanya na cash gift na lang ang ipadala sa mag reporter dahil mas kailangan ito noong holiday season.

Heto na, ipinadala ang P1,000 cash gift sa mga reporter sa isang money remittance. Wala namang problema kung sa mga reporter ibinawas ang charge. Binigyan na nga, magrereklamo pa ba?

Ang kaso may nag-angalan na hindi sila nabigyan gayung mga opisyal sila ng press corps at ilang taon ng nagco-cover dun.

Hindi nagagalit pero nagtatampo raw sila kay Madam. Har har har may nag-promise naman na aayusin ang “problema.”

Likas na kikay si Madam. Masa ang dating kaya may kilabot pag napapabalitang pinupuntirya niya ang posisyon sa pagka-mayor.

Clue: May letrang J sa kanyang pangalan at kaapelyido niya dati ang isang senador na tigasin at walang kinatatakutan kahit mga kuratong pa.

The post Pamasko sa mga reporter, idinaan sa money remittance first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *