Pamangkin ng gf ni Jang Lucero tinodas

Isang araw matapos dukutin ng mga hindi nakilalang kalalakihan, natagpuang patay at tadtad ng tama ng saksak ang binatang kasama ng girlfriend ni Jang Lucero, ang lady driver na pinatay sa saksak sa Calamba City noong Hunyo.

pamangkin ng gf ni jang lucero tinodas - Pamangkin ng gf ni Jang Lucero tinodas
ssss - Pamangkin ng gf ni Jang Lucero tinodas

Isang araw matapos dukutin ng mga hindi nakilalang kalalakihan, natagpuang patay at tadtad ng tama ng saksak ang binatang kasama ng girlfriend ni Jang Lucero, ang lady driver na pinatay sa saksak sa Calamba City noong Hunyo.

Sa mismong lugar kung saan natagpuang patay si Lucero sa loob ng kotse, nakita ang bangkay ng biktimang si Adrian Ramos, 23, pamangkin ni Meyah Amatorio, ang girlfriend ni Jang Lucero.

Batay sa report ng Calamba City Police, Huwebes ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay sa Calamba by-pass road sakop ng Brgy. Maunong.

Nakapiring ng duc tape at may katabing placard na may nakasulat na: ‘Mamatay tao pusher at hoodlum ako wag tularan’.

Si Adrian at si Meyah Amatorio, 24, girlfriend ng pinatay na si Jang Lucero, ay magkasamang dinukot ng nasa 10 armadong kalalakihan habang nasa loob ng kanilang compound sa Brgy. Calo, Bay noong Miyerkules.

Wala namang impormasyon pa ang mga awtoridad sa kinaroroonan at kung ano ang nangyari sa nawawala pa ring si Meyah. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *