Palengke pinasabog sa Sultan Kudarat, 8 sugatan

Medical mission sa Sulu, 3 beses pinasabog

Pinaghahanap ng pulisya ang utak sa naganap na pagsabog sa isang pamilihan sa Isulan, Sultan Kudarat makaraang taniman ng improvised explosive device (IED) ang harapan ng palengke na ikinasugat ng walong biktima kahapon nang umaga.

palengke pinasabog sa sultan kudarat 8 sugatan - Palengke pinasabog sa Sultan Kudarat, 8 sugatan
sabog - Palengke pinasabog sa Sultan Kudarat, 8 sugatan

Pinaghahanap ng pulisya ang utak sa naganap na pagsabog sa isang pamilihan sa Isulan, Sultan Kudarat makaraang taniman ng improvised explosive device (IED) ang harapan ng palengke na ikinasugat ng walong biktima kahapon nang umaga.

Ayon kay Lt. Col. Junie Buenacosa, Isulan police director, naganap ang pagsabog bandang alas-siyete nang umaga sa harap ng pamilihan sa kahabaan ng national highway ng Isulan, Sultan Kudarat na kung saan apat ang agad na dinala sa pagamutan kabilang ang isang traffic enforcer.

Inilagay umano ang IED sa terminal ng mga habal-habal o motorsiklo na malapit sa palengke.

Tinitingnan anggulo ng pulisya ay ang awayan sa pagitan ng mga habal-habal driver o kagagawan ng mga terorista.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Isulan Police upang papanagutin ang may utak ng pagsabog.

Matatandaang may naganap ding pagsabog sa barbequehan sa kahabaan ng national highway ng Sultan Kudarat kung saan ay kagagawan umano ito ng Islamic State-linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ayon sa pulisya. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *