Palawan, Siargao, Boracay top pasyalan ng mga dayuhan

Kinilala at nominado sa apat na kategorya sa World Travel Awards 2020 ang Pilipinas.

The post Palawan, Siargao, Boracay top pasyalan ng mga dayuhan first appeared on Abante.

palawan siargao boracay top pasyalan ng mga dayuhan - Palawan, Siargao, Boracay top pasyalan ng mga dayuhan
abante tourist spots - Palawan, Siargao, Boracay top pasyalan ng mga dayuhan

Kinilala at nominado sa apat na kategorya sa World Travel Awards 2020 ang Pilipinas.

Inanunsiyo ito ng Department of Tourism (DOT) kung saan pasok din ang Siargao sa best travel destination na bansa na target puntahan ng mga dayuhan.

Kasabay nito ay ipinagmamalaki rin ng DOT na ang Palawan, Siargao, at Boracay ay nakapasok sa Asia’s top list kung saan nasa rank 4th, 5th at 6th ang mga ito.

Nagbigay daan ito sa Pilipinas na magkaroon ng karagdagang slots sa mga bansa na mayroong magagandang lugar na mapupuntahan.

Kabilang rin ang bansa sa World’s Leading Tourism Board category gayundin sa world’s leading beach destination at dive destination categories.

Samantala, ang Cebu at ang Visayas Islands naman ang tinaguriang “Top Island in Asia” na nanguna sa tatlo pang Philippine islands na nasa top ten ng Conde Naste Traveler’s (CNT) 2020 Readers’ Choice Awards.

“The Philippines is indeed blessed with the best of nature, as exhibited by the consecutive accolades we are receiving from reputable and prestigious publications for our islands and beaches,” ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo Puyat.

Nalaman na inimbita ng CNT ang may 600,000 biyahero na bumoto on line para sa Top Islands sa anim na lugar kabilang na ang Asia, Australia at South Pacific, Caribbean at Atlantic, Africa at Indian Ocean, Europe at North America.

Noong nakaraang taon, nabingwit ng Philippine Island ang Asia’s top islands kung saan nanguna ang Boracay; kabilang din sa nagka-award ang Cebu, Visaya at Palawan. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Palawan, Siargao, Boracay top pasyalan ng mga dayuhan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *