Palasyo tutulong sa Pinay na nahulihan ng droga sa Malaysia

NAHAHARAP sa paru­sang kamatayan ang isang Pilipina sa Malaysia dahil sa tangkang pagpuslit umano ng 5.9 kilo ng shabu.

The post Palasyo tutulong sa Pinay na nahulihan ng droga sa Malaysia appeared first on Abante News Online.

palasyo tutulong sa pinay na nahulihan ng droga sa malaysia - Palasyo tutulong sa Pinay na nahulihan ng droga sa Malaysia
palace - Palasyo tutulong sa Pinay na nahulihan ng droga sa Malaysia

NAHAHARAP sa paru­sang kamatayan ang isang Pilipina sa Malaysia dahil sa tangkang pagpuslit umano ng 5.9 kilo ng shabu.

Ang hindi pinanga­lanang 32-anyos na Pinay ay inaresto sa drug raid sa bayan ng Manggatal, Sabah noong Martes.

Nagkakahalaga ng RM275,000 o P3.4 milyon ang narekober na droga na nangga­ling umano sa lalaking hindi pa nahuhuli.

Sa ilalim ng batas sa Malaysia, ang mga mahuhulihan ng marijuana, heroin at cocaine ay makakasuhan ng drug trafficking at may karampatang parusang death penalty.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, posibleng inosente ang Pilipina at nautusan lamang magdala ng droga, at hindi ito drug pusher o drug trafficker.

Tiniyak ni Panelo na kapag nahatulan ng hindi patas ang Pi­lipina ay gagamitin ng gobyerno ang lahat ng legal na remedyo para mapawalang-sala ito, subalit kapag napatunayang talagang sangkot ito sa drug trafficking ay hahayaang maipatupad ang batas ng Malaysia.

“The government will provide her with free legal assistance to protect her rights as she is a Filipino citizen,” ani Panelo. ­(Aileen Taliping)

The post Palasyo tutulong sa Pinay na nahulihan ng droga sa Malaysia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *