Palasyo seryoso sa pagtatag ng Department of Water

NASENTRO sa isyu ng tubig ang pulong ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes nang gabi.

The post Palasyo seryoso sa pagtatag ng Department of Water appeared first on Abante News Online.

palasyo seryoso sa pagtatag ng department of water - Palasyo seryoso sa pagtatag ng Department of Water
abante water 1 - Palasyo seryoso sa pagtatag ng Department of Water

NASENTRO sa isyu ng tubig ang pulong ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes nang gabi.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tinalakay sa cabinet meeting ang pagbuo ng Department of Water at Department of Disaster Resilience matapos makaranas ng krisis sa supply ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Panelo, natalakay sa pulong ang posibleng epekto ng kakapusan ng supply ng tubig at El Niño o tagtuyot.

Inilatag sa mga mi­yembro ng gabinete ang roadmap para sa agarang aksiyon, pati na ang medium at long term na mga hakbangin para hindi umabot sa mas matinding problema ang krisis sa supply ng tubig.

Ilalarga rin aniya ang pinaigting na kampanya para sa pagtitipid ng tubig at enerhiya lalo na ngayong panahon ng tag-init.

“A roadmap was presented, which inclu­ded immediate, medium and long term interventions, such as making an intensive campaign for the conservation of water and energy,” ani Panelo. (Aileen Taliping)

The post Palasyo seryoso sa pagtatag ng Department of Water appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *