Palasyo sa publiko: Kongreso kalampagin sa FOI bill

HINILING na ng Malacañang ang tulong ng mamamayan para mabilis na maipasa sa Kongreso ang Freedom of Information (FOI) Bill.

The post Palasyo sa publiko: Kongreso kalampagin sa FOI bill appeared first on Abante News Online.

palasyo sa publiko kongreso kalampagin sa foi bill - Palasyo sa publiko: Kongreso kalampagin sa FOI bill
andanar 4 - Palasyo sa publiko: Kongreso kalampagin sa FOI bill

HINILING na ng Malacañang ang tulong ng mamamayan para mabilis na maipasa sa Kongreso ang Freedom of Information (FOI) Bill.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na mahalagang maipasa ang FOI bill para mayroong batas na susundin para sa transparency policy ng gobyerno.

Ayon kay Andanar, hindi sapat ang Executive Order No. 2 para sa FOI kaya kailangan ang tulong ng taumbayan para maipasa ang batas.

“Ang panawagan ko sa mga kababayan natin to lobby and to pressure their congressmen and women to talk to them, to write them… tell them that mahalaga na maipasa itong Freedom of Information Act ng ating gobyerno,” ani Andanar.

Layon ng FOI na magkaroon ng mabilis na access ang publiko sa mga dokumento ng gobyerno ng hindi kailangang dumaan sa mahabang proseso.
Sinabi ni Andanar na nais nilang isama ang FOI sa mga magiging legacy ng Duterte administration. (Aileen Taliping)

The post Palasyo sa publiko: Kongreso kalampagin sa FOI bill appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *