Palasyo sa PNP: Pagkamatay ng nakaposas na Chinese lutasin

NAGPAHAYAG ng pag­kabahala ang Malacañang sa pagkamatay ng isang Chinese national na umano’y nahulog mula sa ika-anim na palapag ng gusali habang nakaposas sa Las Piñas City.

palasyo sa pnp pagkamatay ng nakaposas na chinese lutasin - Palasyo sa PNP: Pagkamatay ng nakaposas na Chinese lutasin
Office of the Presidential Spokesperson - Palasyo sa PNP: Pagkamatay ng nakaposas na Chinese lutasin

NAGPAHAYAG ng pag­kabahala ang Malacañang sa pagkamatay ng isang Chinese national na umano’y nahulog mula sa ika-anim na palapag ng gusali habang nakaposas sa Las Piñas City.

“We express alarm on the death of a handcuffed Chinese national who reportedly died after escaping from a sixth-floor window and falling from the building,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Kinalampag din ni Panelo ang pulisya na agarang resolbahin ang kaso ng pagkamatay ng Chinese.

“We ask the Philippine National Police, which is seriously looking into the matter,­ including tracking down the supervisor of the victim who allegedly made the former a priso­ner, to treat the case with dispatch,” diin ni Panelo.

Idinagdag pa nito na hindi kinukunsinte ng gobyerno ang anumang pang-aabuso sa mga dayuhan sa bansa.

“The Palace is concerned with growing reports that foreign workers in the country are being subjected to coercion, illegal detention and other violations of law even by their own countrymen while in the Philippines. We need to put a stop to these illegal acts,” giit ng opisyal ng Palasyo.

“We will not allow nor tolerate any kind of abuse inflicted on any foreigner whether sojourning or working in this country, whether done by their fellow nationals or by our own citizens,” dagdag nito.

Hinikayat din ng Palasyo ang mga dayuhan na i-report sa mga awtoridad ang anumang pang-aabuso ng kanilang amo.
“No one is exempted from the strict enforcement of our laws of the land,” pagtiyak ni Pa­nelo. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *