Palasyo sa mga apektado ng 6.6 magnitude quake

UMAPELA ang Malacañang sa mga taga-Mindanao na maging kalmado subalit maging alerto kaugnay sa malakas na lindol na yumanig sa ilang lugar sa Min­danao region.

palasyo sa mga apektado ng 6 6 magnitude quake - Palasyo sa mga apektado ng 6.6 magnitude quake
palasyo 2 - Palasyo sa mga apektado ng 6.6 magnitude quake

Kalma lang pero alerto!

UMAPELA ang Malacañang sa mga taga-Mindanao na maging kalmado subalit maging alerto kaugnay sa malakas na lindol na yumanig sa ilang lugar sa Min­danao region.

Sa ipinalabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na kumikilos na ang mga ahensiya ng pamahalaan para sa mabilis na assessment sa mga napinsala ng 6.6 magnitude na lindol na ang sentro ay naitala sa Tulunan, Cotabato.

Nanawagan din ang Palasyo sa publiko na iwasang magpa­kalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng alarma at pagkabahala sa mga tao, at sa halip ay mag-monitor sa mga development ng naganap na lindol.

“We ask our citizens to remain calm but vigilant and we urge them to refrain from spreading disinformation that may cause undue alarm, panic and stress to many people. We also urge them to monitor developments through the alerts and bulletins of official government channels,” ani Panelo.

Mahigpit aniyang binabanta­yan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense ang insidente.

“All responsible government agencies and local government units are currently undertaking rapid damage assessment and needs analysis of affected areas and communities in order to properly assess the situation and coordinate rescue and relief ope­rations,” dagdag pa ni Panelo.(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *