Palasyo kay Sandra Cam: Mag-resign ka na lang

Pinayuhan ng Malacañang si Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam na magsumite ng kanyang resignation kung hindi na matagalan ang umano’y korapsiyon sa ahensiya.

The post Palasyo kay Sandra Cam: Mag-resign ka na lang appeared first on Abante News Online.

palasyo kay sandra cam mag resign ka na lang - Palasyo kay Sandra Cam: Mag-resign ka na lang
2019 Abante Sandra Cam - Palasyo kay Sandra Cam: Mag-resign ka na lang

Pinayuhan ng Malacañang si Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam na magsumite ng kanyang resignation kung hindi na matagalan ang umano’y korapsiyon sa ahensiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na kaila­ngan pang hintayin ni Cam ang aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin siya sa PCSO dahil maaari naman itong umalis anomang oras na gusto nito.

“She does not have to wait for her relief by the President. She can tender her resignation if she cannot stand the alleged corruption within the PCSO,” ani Panelo.

Seryoso aniya ang mga alegasyon ni Cam sa ahensiyang pinaglilingkuran kaya dapat magsumite ito ng reklamo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para maaksiyunan ang mga alegasyon nito ng katiwalian.

Sinabi ni Panelo na maaaring maghain ng kasong katiwalian si Cam laban sa mga inaakusahang PCSO officials at magpakita ito ng mga ebidensiya sa PACC para maim­bestigahan ang sinasabing katiwalian sa ahensiya.

Binigyang-diin ni Panelo na walang sasantuhin si Pangulong Duterte kahit pa kaibigan ang mga ito kapag napatunayang sangkot sa katiwalian.

Wala aniyang sacred cows sa administrasyon dahil seryoso ang Presidente na linisin ang gobyerno sa korapsiyon.

“We ask her to formally submit in writing her complaint to PACC so that it would be acted on accordingly. She could file corruption charges against PCSO officials and submit proof of allegations,” dagdag pa ni Panelo.

Nauna rito nagpatawag ng press conference si Cam noong Huwebes at inihayag na hindi na niya matagalan umano ang nagaganap na katiwalian sa ahensiya kaya hiniling sa Presidente na alisin na siya sa kanyang puwesto at ilipat sa ibang ahensiya. (Aileen Taliping)

The post Palasyo kay Sandra Cam: Mag-resign ka na lang appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *