Palasyo kay Ressa: Walang forever sa press freedom

KINASTIGO ng Malacañang nitong Sabado si Rappler Chief ­Executive Officer Maria Ressa dahil sa patuloy na pagsangkalan sa press freedom gayung wala namang kinalaman ang pamahalaan sa pag-aresto sa kanya noong Biyernes dahil sa ­kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.

The post Palasyo kay Ressa: Walang forever sa press freedom appeared first on Abante News Online.

palasyo kay ressa walang forever sa press freedom - Palasyo kay Ressa: Walang forever sa press freedom
abante ressa - Palasyo kay Ressa: Walang forever sa press freedom

KINASTIGO ng Malacañang nitong Sabado si Rappler Chief ­Executive Officer Maria Ressa dahil sa patuloy na pagsangkalan sa press freedom gayung wala namang kinalaman ang pamahalaan sa pag-aresto sa kanya noong Biyernes dahil sa ­kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.

Banat ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais lamang ni Ressa ng special treatment kaya ito nag-­iingay sa ginawang mu­ling pag-aresto sa kanya ng mga awtoridad kahit wala namang kinalaman ang kanyang kaso sa pagiging journalist nito.

“She cannot be ­using her arrest as a violation of the freedom of the press and make it as an excuse to attack the government. She wants a special treatment owing to her being a journalist. She wants her profession to shield her from accountability of a wrongdoing that she could be guilty of,” ani Panelo.

Binigyang-diin ni Panelo na ang warrant of arrest laban kay ­Ressa ay may kaugna­yan sa Philippine ­Depository Receipts na inisyu ng Rappler sa Omidyar Network Fund at paglabag aniya ito sa Anti-Dummy Law.

Kinuwestyon naman ni Ressa ang pahayag ni Panelo na may due process sa ginawang pag-aresto sa CEO ng Rappler.

“Palace spokesman talks about due process? Really? When a case is sent to a judge, and without reading the stack of documents (as he should to determine himself whether there’s a probable cause), he issues arrest warrant? Let’s call a spade a spade. This is weaponization of the law,” tweet ni Ressa kahapon. ­(Aileen Taliping)

The post Palasyo kay Ressa: Walang forever sa press freedom appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *