Palasyo kabado sa mga barko ng China sa Scarborough Shoal

NABABAHALA ang Malacañang sa presensya ng mga barkong pandigma ng China sa Scarborough Shoal sa South China Sea.

The post Palasyo kabado sa mga barko ng China sa Scarborough Shoal appeared first on Abante News Online.

palasyo kabado sa mga barko ng china sa scarborough shoal - Palasyo kabado sa mga barko ng China sa Scarborough Shoal
scar 1 - Palasyo kabado sa mga barko ng China sa Scarborough Shoal

NABABAHALA ang Malacañang sa presensya ng mga barkong pandigma ng China sa Scarborough Shoal sa South China Sea.

“Of course, we are always concerned on any intrusion to our sovereignty,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nitong Martes.

Pero sabi ni Panelo, ipauubaya na lamang ng Palasyo kay Fo­reign Affairs Secretary Teo­doro Locsin, Jr. ang kaukulang aksyon sa mga namataang barko ng China sa Scarbo­rough Shoal na bahagi ng exclusive economic zone (EZZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, marapat lamang na pag-usapan ng mga kinatawan ng Pilipinas at China sa Bilateral Consultation Mechanism ang namataang limang military ship ng China sa nasabing teritoryo.

Ayaw namang pa­ngunahan ni Panelo kung ano ang misyon ng China sa pagpapadala ng barko sa Scarbo­rough Shoal.

“Let’s see. Hindi pa natin exactly alam kung ano ang reason nila, they have to state there position on this,” ani Panelo.

The post Palasyo kabado sa mga barko ng China sa Scarborough Shoal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *