Palasyo ibinida ang pinakamababang inflation

IKINATUWA at ipinagmalaki ng Malacañang ang naitalang pinaka­mababang inflation rate nitong buwan ng Oktub­re.

palasyo ibinida ang pinakamababang inflation - Palasyo ibinida ang pinakamababang inflation
palace 3 - Palasyo ibinida ang pinakamababang inflation

IKINATUWA at ipinagmalaki ng Malacañang ang naitalang pinaka­mababang inflation rate nitong buwan ng Oktub­re.

Batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang pinaka­mababang inflation sa 0.8 percent ngayong Oktubre kumpara sa 6.7 percent on October 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ito ang pinakamababang inflation na naitala magmula noong mga huling araw ng Aquino administration.

Ayon kay Panelo, magandang balita ito para sa Pilipino habang malaking sampal para sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang hinangad kundi ang makitang mabigo ang administrasyon.

“This is good news to all Filipinos, especially to President Duterte’s doubters or cynics unless they see it otherwise, which would then reveal that what they are solely inte­rested in is for this administration to fail,” ani Panelo.

Umaasa ang Malacañang na sana ay makita ng mga kritiko ang magandang balita para sa lahat ng Pilipino. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *