Palasyo dumistansiya sa pagtanggal ng TRO sa Mamasapano trial

DUMISTANSIYA ang Malacañang at tumangging magbigay ng komento kaugnay sa naging aksiyon ng Korte Suprema na nag-aalis ng temporary restraining order (TRO) para maipagpatuloy ang paglilitis sa Mamasapano case na nakasampa sa Sandiganbayan.

palasyo dumistansiya sa pagtanggal ng tro sa mamasapano trial - Palasyo dumistansiya sa pagtanggal ng TRO sa Mamasapano trial
ABANTE palasyo 2 - Palasyo dumistansiya sa pagtanggal ng TRO sa Mamasapano trial

DUMISTANSIYA ang Malacañang at tumangging magbigay ng komento kaugnay sa naging aksiyon ng Korte Suprema na nag-aalis ng temporary restraining order (TRO) para maipagpatuloy ang paglilitis sa Mamasapano case na nakasampa sa Sandiganbayan.

Isa sa mga pangunahing akusado sa Mamasapano case ay si dating Pangulong Benigno Aquino III na nahaharap sa kasong graft at usurpation of authority dahil sa pagkamatay ng 44 na commando ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na gaya ng nakagawian, hindi nagbibigay ng komento ang Malacañang sa mga aksiyon o desisyon ng Korte Suprema.

Binigyang-diin ni Panelo na hiwalay na sangay ng gobyerno ang Kataas-taasang Hukuman at hindi makikialam dito ang ehe­kutibo.

“We refuse to comment on the action undertaken by the Supreme Court, which belongs to a separate and independent branch of government from ours. We cannot and we do not intend to interfere with the functions of other branches which are distinct from the executive,” ani Panelo.

Naniniwala ang kalihim na maayos na mapapangasiwaan ng Ombudsman at Sandiganbayan ang kaso nang naaayon sa kanilang mandato at maibibigay ang karapatan ng akusado. ­(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *