Palasyo dumistansiya sa banat ni Locsin kay Valles

DUMISTANSYA ang Malacañang sa mga banat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa mga mi­yembro ng press at kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president Romulo Valles.

palasyo dumistansiya sa banat ni locsin kay valles - Palasyo dumistansiya sa banat ni Locsin kay Valles
locsin 12 - Palasyo dumistansiya sa banat ni Locsin kay Valles

DUMISTANSYA ang Malacañang sa mga banat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa mga mi­yembro ng press at kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president Romulo Valles.

“That’s between the Secretary of Foreign Affairs and to those subject of his criticism. Hindi na natin papasukin yun,” wika ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Paniwala ni Panelo, maaaring may ginawa ang media at si Valles kaya nagresulta ito sa maaanghang na pananalita ng DFA chief.

“Unang-una, ang isang government ­official, hindi naman­ magre-react kung walang basis ng kanyang reaction. There must be something that triggered the DFA (Department of Foreign Affairs) Secretary to say the things that he said,” paliwanag pa ng chief presidential legal counsel.

Binasura din ni Pa­nelo ang ideya na payuhan niya si Locsin dahil sa malimit nitong pagmumura.

“DFA Secretary Locsin is a man of subs­tance. He is professional­ and he knows what he is doing,” aniya pa.

Matatandaan dalawang reporter ang mi­nura ni Locsin dahil sa tweet na hindi nakadalo si Pangulong Duterte sa huling event ng 35th ASEAN Summit sa Thailand.

Noong Nobyembre 14 naman, tinawag ni Locsin si Valles na “moron in a white Mu-Mu” sa tweet matapos manawagan ang CBCP official na ipanalangin­ si Vice President Leni Robredo. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *