Palasyo dumistansiya sa away nina Medialdea, Mon Tulfo

Hindi makikialam ang Malacañang sa isyung namamagitan kina Executive Secretary Salvador Medial­dea at Special Envoy to China Ramon Tulfo.

palasyo dumistansiya sa away nina medialdea mon tulfo - Palasyo dumistansiya sa away nina Medialdea, Mon Tulfo
abante panelo 1 - Palasyo dumistansiya sa away nina Medialdea, Mon Tulfo

Hindi makikialam ang Malacañang sa isyung namamagitan kina Executive Secretary Salvador Medial­dea at Special Envoy to China Ramon Tulfo.

May kinalaman ito sa pagsasampa ng kasong libel ni Medial­dea kay Tulfo dahil sa umano’y mga akusasyong isinulat nito sa kanyang kolum sa Manila Times.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na personal na usapin ito sa pagitan ng Executive Secretary at ni Tulfo kaya hindi dapat na makialam ang Palas­yo.
Bukod dito, sinabi ng kalihim na nakasampa na ang kaso sa Department of Justice (DOJ) kaya hindi dapat na pinag-uusapan pa ito.

“That’s between the Executive Secretary and the journalist.­ That is personal between the two, so we will not interfere. Since charges have been filed, we cannot comment on the validity of the charges. So, we will wait,” ani Panelo.

Ang kasong libelo ni Medialdea kay Tulfo ay nag-ugat sa isinulat nito na umanoy “benefactor” ni Philippine Charity­ Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam si Medialdea sa Malacañang at lahat umano ng member ng board ng PCSO ay nagre-report sa kalihim, na mahigpit nitong pinabulaanan.

Sinabi pa ni Medialdea na may mga susunod pang kasong libelo na isasamampa niya laban kay Mon Tulfo. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *