Palamurang abogado: Gadon sinuspinde ng SC

Gadon: Kaya kong bumili ng tiket papuntang Russia

SINUSPINDE ng Korte Suprema si Atty. Larry Gadon, ang natalong senatorial candidate at abogado ni Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula, dahil sa masangsang nitong pananalita.

palamurang abogado gadon sinuspinde ng sc - Palamurang abogado: Gadon sinuspinde ng SC
gadon - Palamurang abogado: Gadon sinuspinde ng SC

SINUSPINDE ng Korte Suprema si Atty. Larry Gadon, ang natalong senatorial candidate at abogado ni Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula, dahil sa masangsang nitong pananalita.

Sa resolution na inilabas ng Supreme Court 2nd Division, 3 buwan suspendido si Gadon dahil umano sa “abusive and intemperate language” na ginamit nito sa isang doktor at kapwa-lawyer kalakip ang mga salitang nakapagpapababa ng kumpiyansa ng publiko sa Philippine judicial system.

“Atty. Gadon’s remarks about the slow justice system and insinuations that cases are won based on abundance of resources, tramp the integrity and dignity of the legal profession and the judicial system and adversely reflect on his fitness to practice law,” batay sa resolusyon.

Samantala, iginiit naman ni Gadon, na kasalukuyang nasa Russia, na hindi pa nito natatanggap ang kopya ng ruling kung kaya malinaw na hindi pa ito naiimplementa.

Nitong June 26, 2019 lumabas ang resolution ng kaso at isinumite sa SC Public Information Office.

August 19, 2019 naman ito naging available on the SC website subalit hindi ito naianunsyo sa media.

Si Gadon ay nakilala sa anti bobo crusade nito noong nagdaang midterm elections. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *