PAL pasahero na may bagong COVID, galing Cagayan, Maynila – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na tukoy na ang pagkakilanlan ng biyahero na nagpositibo sa bagong COVID 19 variant sa Hongkong.

The post PAL pasahero na may bagong COVID, galing Cagayan, Maynila – DOH first appeared on Abante.

pal pasahero na may bagong covid galing cagayan maynila doh - PAL pasahero na may bagong COVID, galing Cagayan, Maynila – DOH
abante doh 7 - PAL pasahero na may bagong COVID, galing Cagayan, Maynila – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na tukoy na ang pagkakilanlan ng biyahero na nagpositibo sa bagong COVID 19 variant sa Hongkong.

Kinumpirma ng DOH na ang biyahero ay isang 30 anyos na babae mula sa Cagayan Valley.

Base sa report ng Hong Kong International Health Regulations National Focal Point and local Centers for Health Development, ang biyahero ay umalis umano sa Cagayan Valley noong Disyembre 17.

Dumating umano siya sa Metro Manila noong Disyembre 18 at sumailalim sa quarantine bilang tugon sa workplace protocols.

Noong Disyembre 19, ay sumailalim siya sa RT-PCR test para sa COVID-19 at negatibo ang resulta.

Kalaunan ay bumiyahe pa-HK noong Disyembre 22 ang pasahero at muling sumailalim sa quarantine pagdating at sumailalim muli sa swab test noong Enero 2 kung saan na ito nagpositibo sa coronavirus variant na unang nadiskubre sa United Kingdom.

Nasa isolation at nasa stable na kondisyon ang pasahero na isang Pinay.

Samantala, patuloy ang contact tracing ng DOH para makilala ang iba pang pasahero na nakasabay sa biyahe ng pasyente.(Juliet de Loza-Cudia)

The post PAL pasahero na may bagong COVID, galing Cagayan, Maynila – DOH first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *