PAL-Lucio Tan sibakan uli sa Oct

Plano muling manibak ng mga tauhan ng Philippine Airlines ni Lucio Tan.

The post PAL-Lucio Tan sibakan uli sa Oct first appeared on Abante.

pal lucio tan sibakan uli sa oct - PAL-Lucio Tan sibakan uli sa Oct
abante pal - PAL-Lucio Tan sibakan uli sa Oct

Plano muling manibak ng mga tauhan ng Philippine Airlines ni Lucio Tan.

Ayon sa isang online news (inquirer.net) ito na ang pangalawang beses na magtatanggal ng tauhan ang PAL ngayon taon dahil sa hirap sa negosyo, partikular na sa sektor ng turismo.

Noong first half ng taon ay lumaki ang lugi o net loss ng PAL Holdings sa P22 bilyon. Nung first half ng 2019, P3 bilyon lang ang itinalang lugi ng kompanya.

Bunsod nito ay napag-alamang pinulong ng PAL ang mga empleyado nito nakaraang linggo para ipaalam ang retrenchment at voluntary retirement program ng kompanya na tinawag nitong Project Gamma.

Tinanong ng Abante si PAL spokesperson Cielo Villaluna tungkol sa napipintong paninibak ng mga tauhan ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag.

Nasa P5.72 bilyon ang gastos ng PAL para sa crew and staff costs sa first half ng taon at ang gastos sa mga sweldo ay nasa P1.42 bilyon. Nung first half ng 2019, ang gastos para sa crew at staff ay nasa P7.27 bilyon pa.

Tahimik ang PAL tungkol sa ulat ng mga pagtatanggal nito ng mga tauhan kahit obligado itong magsalita dahil isa itong listed company na dapat ay regular na nag-uulat sa Philippine Stock Exchange ng mga pangyayari sa kompanya na magkakaroon ng epekto sa kita o lugi nito.

Ayon sa unaudited report ng kompanya para sa first half ng taon, nasa P253 milyon ang accrued employee benefits payable nito at dito napapaloob ang mga gastos sa retirement benefits ng kompanya.

May 6,901 empleyado ang PAL nung katapusan ng 2019: 1,075 ang mga piloto, 2,780 ang cabin crew, at 3,046 ang ground employees. (Eileen Mencias)

The post PAL-Lucio Tan sibakan uli sa Oct first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *