PAL-Lucio Tan isinuka sa kinanselang NY-MNL flight

PAL-Lucio Tan isinuka sa kinanselang NY-MNL flight

Isinumpa ng isang ginang ang Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan at nangakong hindi na ulit sasakay sa nasabing airline matapos ikansela ang flight nito pabalik ng Maynila mula sa New York.

The post PAL-Lucio Tan isinuka sa kinanselang NY-MNL flight appeared first on Abante News Online.

pal lucio tan isinuka sa kinanselang ny mnl flight - PAL-Lucio Tan isinuka sa kinanselang NY-MNL flight
pal - PAL-Lucio Tan isinuka sa kinanselang NY-MNL flight

Isinumpa ng isang ginang ang Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan at nangakong hindi na ulit sasakay sa nasabing airline matapos ikansela ang flight nito pabalik ng Maynila mula sa New York.

Sa Facebook post ni Rovilla Rosales Copp, patungo na sana siya sa JFK airport nang malaman sa email na kinansela ang flight nitong Hulyo 20.

“I have a very stressful day today courtesy of the worst airline in the world, PAL. Am supposed to fly with them at 1:45 Saturday. When am about to leave for the airport, I asked my hubby to print my eticket and saw that they emailed me at 12:59 am informing me that my July 20 fight is cancelled and that they are putting me in the 3:35 am flight July 21 Sunday that will arrive in Manila Monday morning.” ayon sa post ni Copp.

Inayawan niya ang pag-urong ng kanyang flight dahil sa wala namang inalok na connecting flight niya patungong Cebu City.

Dahil dito, napilitan itong mag-book sa Cathay Pacific para makalipad ng Hulyo 20 subalit nagbayad siya ng $1,700.

Ang masaklap nito, nahirapan siyang mag-refund sa binayaran niyang ti­ket sa PAL dahil aa­butin pa ng 30 araw para daw makuha niya ito.

“I was also told that my refund will take 30 banking days. I feel robbed and cheated because they have my money since January and now I can only get my money back at the end of August.” bahagi ng post ni Copp.

“Moral of the story, I will never book or fly PAL again. Very unrelia­ble,” dagdag pa niya.

Ang FB post ni Copp ay pinost naman ng anak niyang si RJ Martinez sa Twitter kung saan sinabihan ng PAL sina RJ at Copp na magpadala ng direct message sa kanila.

The post PAL-Lucio Tan isinuka sa kinanselang NY-MNL flight appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *