Paksyon sa Senior Citizens Party-list hahatulan ng Comelec

Inaasahang makakapaglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng desisyon hinggil sa dalawang paksyon ng Senior Citi­zens Party-list group bago matapos ang taong 2019.

paksyon sa senior citizens party list hahatulan ng comelec - Paksyon sa Senior Citizens Party-list hahatulan ng Comelec
ABANTE Comelec - Paksyon sa Senior Citizens Party-list hahatulan ng Comelec

Inaasahang makakapaglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng desisyon hinggil sa dalawang paksyon ng Senior Citi­zens Party-list group bago matapos ang taong 2019.

“Hindi naman aabot ang Bagong Taon, made-decide na ‘yung kaso nila… dapat maligaya na sila diyan,” pahayag ni Guanzon sa isang panayam sa Kamara.

Ayon kay Guanzon, malalaman na sa Disyembre kung sino sa dalawang paksyon ng natu­rang party-list group ang kikila­lanin ng Comelec en banc bilang official nominee matapos silang manalo sa midterm elections noong Mayo 13, 2019.

Nabatid na nagsumite ang Senior Citizens Party-list ng multiple set ng mga nominee sa ilalim ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) noong nakaraang taon.

Napag-alaman na pawang nagsumite ng kanilang listahan ng mga nominee ang mga da­ting mambabatas na sina Francisco Datol, Milagros Magsaysay, at Godofredo Arquiza.

Ang mga nabanggit ay pawang­ nag-claim din umano na sila ang presidente ng Senior Citizens Party-list. Sila rin ang nakasaad na first nominee sa mga isinumite nilang listahan. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *