Pahayag ng Abante ukol sa column ni Macalma

Isinulat ito bilang pahayag ng Abante/Abante Tonite ukol sa mensahe na natanggap mula kay Milette Villoria sa aming Facebook page.

The post Pahayag ng Abante ukol sa column ni Macalma appeared first on Abante News Online.

pahayag ng abante ukol sa column ni macalma - Pahayag ng Abante ukol sa column ni Macalma
abante calma - Pahayag ng Abante ukol sa column ni Macalma

Isinulat ito bilang pahayag ng Abante/Abante Tonite ukol sa mensahe na natanggap mula kay Milette Villoria sa aming Facebook page.

Kaugnay ito ng artikulo na isinulat ng isa sa aming kolumnista na si Deo Macalma sa kanyang column na Bubwit ni Deo na lumabas noong Marso 20, 2019, na may pamagat na ‘Sinibak na usec ng DOTr may kapalit nang retired general’.

Batay dito, “Nag-takeover na noong Lunes sa OTS o Office of Transportation Security ng DOTr ang bago nitong hepe na pumalit kay retired Col. Art Evangelista. Ayon sa aking bubwit, sa Malakanyang mismo galing ang order na tagpasin ang opisyal kaya walang magawa si Sec. Tugade kundi sumunod at tumahimik… Ang bagong hepe ng OTS ng DOTr na pumalit kay Evangelista ay si Retired Lt. Gen. Paul del Rosario ng PAF “

Ani Villoria, “Si Gen. Evangelista na Usec ng OTS, ay presidential appointee hindi sya pwede tanggalin ang nag order ay usec din na ka ranggo ni Usec Evangelista na si Usec Tamayo, kung yan ang naging basehan nyo.”
Dagdag pa nito,

“Bakit hindi si Sec. Tugade ang naka pirma, bakit nagpa gamit pa si Usec tamayo sa pag gawa ng relieved order.”

Bahagi ng misyon ng aming pahayagan na makapaghatid ng tamang impor­masyon, at sa ganitong sitwasyon ay susuriin ng pamunuan ang magiging aksiyon at pagtatama sa nasabing artikulo.

Gayunman, ipinaaalala na ang anumang opinyon, mga sinulat at paha­yag ng mga kolumnista ay sariling pana­naw ng may-akda at walang pananagutan ang patnugutan.

The post Pahayag ng Abante ukol sa column ni Macalma appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *