Pagsubok ng Pfizer, BioNTech sa COVID-19 bakuna tapos na

Natapos na ng American pharmaceutical company na Pfizer at German biotechnology company na BioNTech SE ang Phase 3 trials ng kandidato nilang bakuna kontra coronavirus disease.

The post Pagsubok ng Pfizer, BioNTech sa COVID-19 bakuna tapos na first appeared on Abante.

pagsubok ng pfizer biontech sa covid 19 bakuna tapos na - Pagsubok ng Pfizer, BioNTech sa COVID-19 bakuna tapos na
COVID 7 - Pagsubok ng Pfizer, BioNTech sa COVID-19 bakuna tapos na

Natapos na ng American pharmaceutical company na Pfizer at German biotechnology company na BioNTech SE ang Phase 3 trials ng kandidato nilang bakuna kontra coronavirus disease.

Lumabas sa pagsubok sa bakuna na 95% itong epektibo laban sa COVID-19 simula 28 araw matapos ang unang dose, ayon sa inilabas na pahayag ng Pfizer sa kanilang website.

Ang pagiging epektibo ay pare-pareho sa lahat ng edad, kasarian at lahi.

Dahil dito, mag-a-apply na ang Pfizer at BioNTech ng emergency use authorization sa Food and Drug Administration para sa bakuna sa susunod na mga araw.

Dalawang taon pa magpapatuloy ang trial para mabatid kung gaano tatagal ang immunity ng bakuna laban sa virus.

Magugunitang noong Lunes ay naglabas din ang American biotechnology company na Moderna Inc., ng resulta ng kanilang huling trial para sa bakuna kung saan lumabas na 94.5% itong epektibo laban sa COVID-19. (IS)

The post Pagsubok ng Pfizer, BioNTech sa COVID-19 bakuna tapos na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *