Pagsasaka ng mga Dumagat sa kabundukan, pinauunlad ng Antipolo LGU, ZEP

Libreng mga gamit sa pagsasaka ang hatid ng Antipolo City Government at ng Zero Extreme Poverty (ZEP) sa mga katutubong Dumagat na nakatira sa Sitio Canumay, Libis at Tayabasan.

The post Pagsasaka ng mga Dumagat sa kabundukan, pinauunlad ng Antipolo LGU, ZEP appeared first on Abante News Online.

pagsasaka ng mga dumagat sa kabundukan pinauunlad ng antipolo lgu zep - Pagsasaka ng mga Dumagat sa kabundukan, pinauunlad ng Antipolo LGU, ZEP
magsasaka 3 - Pagsasaka ng mga Dumagat sa kabundukan, pinauunlad ng Antipolo LGU, ZEP

Libreng mga gamit sa pagsasaka ang hatid ng Antipolo City Government at ng Zero Extreme Poverty (ZEP) sa mga katutubong Dumagat na nakatira sa Sitio Canumay, Libis at Tayabasan.

Sa pagtutulungan ng dalawang ahensya upang maiangat ang estado ng mga katutubo, nabiyayaan kamakailan ang 150 pamilyang Dumagat ng mga kagamitan na mapapakinaba­ngan nila sa kanilang pagsasaka na siyang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Dumagat sa kabundukan. Ito na ang pa­ngalawang beses na nagkatuwang ang Antipolo LGU at ZEP sa pagbibigay serbis­yo sa mga katutubo.

“Nagpapasalamat po kami muli sa ZEP sa walang sawa nilang pakikipagtulungan sa Antipolo LGU para masiguro po na ang mga kapatid nating ka­tutubo ay nabibigyan ng oportunidad na umunlad. Sa mga ganitong proyekto po ay naipadadama natin sa ating mga kapatid na Dumagat na accessible po ang serbisyong ibinibigay natin sa bawat mamamayan ng Antipolo,” sabi ni City Mayor Jun Ynares.
Bukod sa patuloy na pamimigay ng mga far­ming tool, naglalaan din ang pamahalaang lokal ng lite­racy program, medical mission at educational assistance sa kabataang Dumagat kung saan ilan na dito ang kasalukuyang pumapasok sa kolehiyo sa ilalim ng Antipolo City Scholarship Program.

The post Pagsasaka ng mga Dumagat sa kabundukan, pinauunlad ng Antipolo LGU, ZEP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *